80-anyos na mag-asawa natagpuang patay sa QC | Bandera

80-anyos na mag-asawa natagpuang patay sa QC

- May 27, 2019 - 04:43 PM

 

NATAGPUANG patay ang 80-anyos na mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa Novaliches, Quezon City, kahapon, ayon sa pulisya.

Sa ulat mula sa Quezon City Police District (QCPD), sinabi nito na natagpuan ang mga labi nina Nicolas Austria, isang retired engineer; at Leonora Austria, isang retired government employee, sa Barangay San Agustin, Linggo ng hapon.

Sinabi ng pulisya na kumatok ang anak na babae ng mga biktima na si Maria Liza, sa bahay ng kanyang mga magulang ganap na alas-2 ng hapon noong Mayo 26.

Dahil walang sumasagot, humingi na ng tulong si Maria Liza sa mga opisyal ng barangay para mabuksan ang gate.

Nang pumasok sila sa bahay, una nilang nakita ang kasambahay na si Editha Fernandez, 63, na nakahandusay sa kusina at may mga galos sa katawan.  Dinala siya sa Capitol Medical Center para magamot.

Sinabi ni Lt. Col. Rossel Cejas, commander ng Novaliches Police Station, na nadiskubre ang katawan ni Nicolas sa master’s bedroom, samantalang sa bathroom naman natagpuan ang katawan ni Leonor.

Base sa inisyal na ulat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na pinangunahan ni Captain Jose Bonifacio, gulong-gulo ang kuwarto ng mga biktima.

Natagpuan din ang isang kutsilyo, bakal na may bahid ng dugo, cellphone na may latent fingerprints, isang pulang sando na may dugo at short pants sa loob ng bahay.

“Sa ngayon ay wala pa tayong established na motibo sa pagpatay sa mag-asawa pero isa sa tinitingnan ay ang pagnanakaw dahil sa magulong sitwasyon ng mga gamit sa bahay at inaalam na natin ang mga nawawalang gamit,” sabi ni QCPD director Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagtamo ang mga biktima ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.  Nagtamo rin si Fernandez ng head fracture.

Dinala na ang mga labi nina Austria sa Philippine National Police-Crime Laboratory Office para sa autopsy, sabi ng mga otoridad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending