Fanny Serrano sa ABS-CBN, GMA: OK, this is it! Hindi ko na matiis!
Ka-Facebook namin si Fanny Serrano (Felix Mariano Fausto, Jr. in real life) kaya naman nabasa namin ang mahaba niyang aria about soap opera characters na sobra sa make-up.
“OK, this is it! Hindi ko na kasi matiis! Mula sa puso ko.
“Nananawagan po ako sa lahat ng producers at directors ng mga teleserye sa channel 2 at 7 na bigyan nyo naman ng panahon na pansinin mabuti ang makeup, hairstyle at wardrobes ng mga leading stars nyo!
“Please naman! Sa totoo lang, malaki ang responsibilidad ninyo na silipin sa monitor kung ano ang tamang image ng character portrayed ng mga artista nyo. Kailangan ba na naka-full makeup kahit nasa loob ng bahay at matutulog na o kaya magluluto o maglalaba?!! Anoba?!
“Dapat bang naka-todong contour ang blush-on, lipstick at naka-false eyelashes ang isang mahirap na character nyo? Hellooooo!!! Wala ba kayong ginawang research para pag-aralan kung ano ang tamang look ng mga artista nyo or nagtipid na naman kayo sa budget at naghanap na lang ng mga mumurahing stylist, makeup artist at hairstylist ng teleserye nyo?!
“Nagsu-super drama kayo sa loob ng bahay na parang dumaan lang muna sa parlor ang characters ng mga artista nyo…na nakaka-destruct sa eksena…na todong kinabitan pa ng wig na hindi naman kakulay ng totoong buhok or halatang-halata ang wig. Pati application ng mga white hair sa mga old characters ay ang sakit sa mata, sa totoo lang.
“Huwag nyong sisisihin ang mga kinuha nyong mga makeup artists, hairstylists dahil yung lang ang kakayahan nila dahil sa maliit nyong budget sa kanila!
“Hindi ko nilalahat, ok. Meron din naman na nakakalusot sa paningin ko! Hindi ako nagmamarunong pero dahil nasanay na ako at tumanda sa trabahong ito na pinag-aaralan kong mabuti ang kailalimlaliman ng character ng artistang pinahahawakan sa akin para sa kanyang role sa isang teleserye or pelikula.
“Mas nag-e-enjoy ako manood ng drama series/teleseryes/movies ng mga Korean at Japanese dahil totoong-totoo ang images ng mga characters na ginagampanan nila. Pinag-aralan kung ano ang tamang total look.
“Ang tagal-tagal nyo na sa industry pero ganyan pa rin kayo…nagtitipid sa maling paraan!!! Hindi ba kayo aware na matatalino na ang mga viewers nyo…at umaasa pa kayo ng mataas na rating! Hoy Gisiiiiiiiiing!!!”
‘Yan ang mahabang aria ni TF at tama naman siya. His analysis is not without basis!!!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.