FAKE ba ang smile at saya mo sa harap ng iyong mga kostumer o kliyente?
Ayon sa pag-aaral na nailathala sa Journal of Occupational Health Psychology, ang mga taong peke ang saya at pagpapakita ng ngiti sa kanilang mga kustomer ay mataas ang tyansa na maging heavy drinker.
Ang pag-aaral ay isinagawa ng researchers mula sa Penn State University sa Pennsylvania at University at Buffalo sa New York, United States.
Pinag-aralan nila ang drinking habits ng mga empleyado na madalas humaharap sa publiko gaya ng nurse, guro at nasa food service industry kung saan kailangang ngumiti.
Ginamit sa pag-aaral ang datos mula sa phone interview ng 1,592 empleyado sa Amerika na ginastusan ng National Institutes of Health.
Ayon sa psychology professor ng Penn State na si Alicia Grandey, hindi umano maganda ang pakiramdam ng mga taong peke ang saya at ngiti at para makabawi sa stress na dulot nito ay napapainom sila ng alak.
Malimit din umano ang bilang na may kaugnayan sa pera o kita ang pekeng ngiti.
Mas mataas umano ang tyansa na maging heavy drinker ang mga tao na kontrolado ang dapat na maging emosyon sa pakikisalamuha sa mga kustomer.
Magkaiba rin umano ang lebel ng epekto sa pag-inom ng mga empleyado na hindi nakikita ang kanilang mga kustomer gaya ng mga nasa call center kumpara sa nurse na kailangang makasalamuha sa kanilang mga pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.