Hidilyn Diaz sasabak na sa Olympic qualifiers | Bandera

Hidilyn Diaz sasabak na sa Olympic qualifiers

- May 30, 2019 - 08:27 PM

SINAGOT ni Hidilyn Diaz (una sa kaliwa) ang tanong mula sa sports media sa ginanap na Usapang Sports forum na inorganisa ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Maynila. Nakasama ni Diaz sa weekly sports forum sina TOPS president Ed Andaya at POC communications director at ABAP secretary-general Ed Picson.

 

NAGING silver medalist man siya sa huling Olympic Games noong 2016, kailangan pa rin ni Hidilyn Diaz na dumaan sa qualifying stages tulad ng mga ibang weightlifter para makapasok sa 2020 Tokyo Olympics.

Kaya naman nakatutok ng husto si Diaz, na may ranggong sarhento sa Philippine Air Force, sa kanyang pagsasanay at preparasyon.

“Kailangang makapasok ako sa top eight sa aking division para makapaglaro sa Tokyo Olympics,” sabi ni Diaz Huwebes sa ginanap na Usapang Sports forum na inorganisa ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Maynila.

Naging kumplikado pa ang kanyang paghahanda nang alisin ng International Weightlifting Federation ang 53-kilogram weight division kung saan nagwagi si Diaz ng pilak at nagtulak ito sa Pinay lifter na sumabak sa mas mabigat na 55-kg category.

“Mas mahirap ngayon para sa akin na mag-qualify sa 55-kg pero sa tingin ko naman makakapasok pa rin tayo sa Tokyo Olympics,” dagdag ni Diaz.

Kumpiyansa naman si Diaz na masusungkit niya ang No. 2 ranking matapos ang anim na qualifying event kahit na mapapalaban siya sa mga Chinese lifter na maituturing na pinakamahusay sa buong mundo.

“Aminado naman tayo na magiging number one sa qualifying tournaments ang China kaya ang target ko ay makuha ang number two spot,” sabi pa ni Diaz. “Pero pagdating sa Olympics, siyempre target na natin ang gold medal. ‘Yan talaga ang goal ko.”

Kung makakuha ng medalya si Diaz sa Tokyo, siya ang magiging kauna-unahang Pinoy na nagwagi ng mahigit isang medalya sa Olympics.

Sinabi rin ni Diaz na ang Tokyo Games ang huli niyang pagsabak sa Olympics.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi na ako bata. I’m already 29 years old. After the Tokyo Olympics, I will retire. Siyempre, gusto ko rin namang magkapamilya,” sabi ni Diaz, na tutungo sa China sa susunod na linggo para sa dalawang buwan na matinding ensayo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending