Kris sa mga gumagaya sa kanya: Minsan ang feeling ko parang nabu-bully ako

By Ervin Santiago May 25,2019
share this

Kris sa mga gumagaya sa kanya: Minsan ang feeling ko parang nabu-bully ako

By Ervin Santiago May 25,2019
share this

KRIS AQUINO

INAMIN ni Kris Aquino na kung minsan ay nao-offend din siya sa panggagaya sa kanya ng ilang impersonator.

Pero bumilib at pinuri niya ang isang bading na vlogger na gumagaya sa kanya, si Chino Liu na naging contestant kamakailan sa Wowowin ni Willie Revillame. Sa nasabi ring episode biniro ng Social Media Queen si Kuya Will tungkol sa kanyang lovelife.

Panunukso ni Kris sa TV host nang tawagan siya nito habang tine-tape ang Wowowin, “Hinihintay kita kaya hindi ako nagpapaligaw sa iba because ikaw lang ang tanggap ng dalawang anak ko. Sabi nila, ‘Si Tito Willie will like you Mama not because of your money because he’s richer than us.’

“Sure akong merong mamahalin si Kuya Josh. So, wag na natin patagalin. Kung liligawan mo ako, June 4 sasagutin na kita. ‘Yun ang birthday gift ko kay Kuya Josh,” hirit pa ni Tetay.

Pagkatapos nito, nag-post si Kris ng mahabang status sa Facebook at nagbigay ng update sa kanyang health condition at ang tungkol nga sa mga nag-i-impersonate sa kanya tulad ni Vice Ganda.

Narito ang ilang bahagi ng mensahe ni Kris: “I’ve finished all my tests, had many new specialists check on me. sorry kung madamot ngayon sa details, i’m finally back in our hotel after 4 days of nonstop blood tests, doctor cosultations, a ct scan, a 1st 40 minute mri session, and a 2nd, again 40 minute one with contrast dye.

“Bincai showed me that Wowowin had already uploaded on their official YouTube channel my phone conversation with Willie & the Krisy impersonator, Chino Liu. I took that call late Saturday night, maybe even closer to midnight and watching the exchange just now somehow made me feel special.

“I’ve changed in so many ways that’s why i had to write something about this. Truth is when Banana Split used to impersonate me, oftentimes i’d feel i was being ridiculed and the exaggeration was too much. Watching Chino on YouTube, who in actuality is kuya Josh’s age i was genuinely impressed because he got the inflection and the conversational nuances correctly and i appreciated it for what it was, a person’s sincere form of expressing his being a fan- because i saw it for myself when he had told willie that his wish was for him to meet me in person.

“I think you can look at it from my point of view, when someone like Vice, na kayang-kaya ko namang i-acknowledge na sobrang mas sikat na sa ‘kin ngayon, does a Kris impersonation, minsan hindi maiiwasan na maramdaman kong nabu-bully ako. Kasi hindi na ko part nun, kung high school ito, pwedeng tawagin na yung popular crowd, pero napagti-tripan pa rin. Iba yung kasama kang nakikitawa as opposed to ikaw ang pinagtatawanan.

“And dun ko na appreciate si Chino and everyone else like Chino- because it must mean nagka-impact ako sa mga buhay nila para pag-aksayahan ako ng panahon, aralin ako, and i’m assuming paulit-ulit akong pinanuod para makuha yung boses in the way he was able to.

“Maybe that’s also why a part of me will always root for Maine (Mendoza) to continue evolving and shining brighter because she started by dubsmashing me and look at how big a star she has become?!!!

“And nasagot din sa’kin ng isang segment na in actuality was taped late Saturday last week. My life’s priorities are really not about me. I simply want my sons to be happy. That’s where the ‘June 4 sasagutin kita’ statement made to Willie came from.

“Of course alam naman natin na walang ligawan na magaganap. But i’d always want Kuya to be secure, feel loved, and HAPPY. It’s not like with Bimb that i see so much of the ‘fighter’ part of me in him… my panganay is a gentle giant who really needs to be sheltered and protected. Mabait kasi kaya baka maabuso. And more than Bimb, siya talaga yung naghahanap ng constant, strong, decidedly male figure in his life.

“Pag naka-recover na ko from all the blood they extracted from me, and all the tests i had to undergo i’ll give you all an update.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending