Kagabi umalis patungong Amerika si Aiko Melendez para makasama ang dalawang anak na sina Andrei Yllana at Marthena Jickain na bago pa mag Mother’s Day ay hindi na niya nakasama dahil abala siya sa pagtulong sa kampanya ng boyfriend niyang newly-elected Zambales Vice Governor Jay Khonghun.
Pero bago umalis ang aktres ay plantsado na ang pagbabalik niya sa showbiz. Sabi sa amin ni Aiko, “Ate Regs, Kapuso na ako.”
Nitong Mayo 22 ay dumalo si Aiko sa story conference ng bagong programa ng GMA 7 na Prima Donnas kung saan gagampanan niya ang karakter ni Kendra.
Hanggang sa nag-post si VG Jay ng, “Kamusta mga Kapuso, Alagaan nyo Baby Ko.”
Say naman ni Aiko, “Thank you baby for playing a big role in my life. The moral support and love is much appreciated. Your baby now is a Kapuso. But will always cherish having a Kapamilya.”
Pinasalamatan din ng aktres ang Kapamilya network na naging tahanan niya sa loob ng siyam na taon.
Binanggit sa amin ni Aiko, “Ate Regs, katapat namin Kadenang Ginto, bigat di ba? Lakas no’n di ba?”
Oo naman, talagang malakas ang Kadenang Ginto dahil na-extend na naman ito hanggang 2020.
Sagot sa amin ni Aiko, “Maganda naman ang role ko, bida-kontrabida sa mga bata.”
Si Emilia Ardiente (karakter sa Wildflower) ang itatapat kay Daniela Mondragon (Dimples Romana)?”
“Oo nga, kaloka!” tumawang sagot ng aktres.
Sa panahong namamayagpag ang Wildflower sa ere ay bukambibig ang pangalan ni Emilia at si Daniela naman ngayon dahil sa Kadenang Ginto.
“Basta ako teh Regs work lang ako. Walang personalan. Kasi may needs din ako,” paliwanag ni Aiks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.