Mayor Halili nagparamdam kay John: Takot ako sa multo! | Bandera

Mayor Halili nagparamdam kay John: Takot ako sa multo!

Alex Brosas - May 23, 2019 - 12:35 AM


AMINADO si John Estrada na takot siya sa multo.

While shooting “The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story”, the biopic of slained Tanauan Mayor Antonio Halili ay nagparamdam ang dating mayor.

“Ako, I saw it with my two eyes, yung palakol sa sala, nahulog na lang basta. Ang palakol na ‘yun hindi basta-basta mahanginan ay babagsak.

“Naramdaman namin na nandoon si Mayor Halili sa shooting. Saka ‘yung patay-sindi ang ilaw na nakakainis. Saka ‘yung PA ni Ara (Mina) na may third eye ay sinabi talaga na nandoon si Mayor,” chika ni John.
“To tell you the truth, I told direk Ceasar (Soriano), ‘Direk pasensiya ka na, sa tao hindi ako takot pero sa multo takot ako.’ Baliktad, eh. Talagang takot ako sa multo. Ayoko ‘yung feeling na may nagpaparamdam,” dagdag pa ng aktor.
Ikinuwento rin niya ang experience niya sa multo noong bata pa siya.

“Mayroon akong train. Aside from walang baterya iyon ay wala na, sira na. Nang katabi kong matulog ay ‘yung brother ko named Eduardo. Kamamatay lang ng lolo ko noon. Siguro mga five days pa lang. ‘Yung casket ng lolo ko, nasa amin pa kasi sa probinsiya ganoon.

“Tumunog ang train na yun, may ilaw pa sa bandang taas. Umilaw ‘yun na nasa taas ng aparador namin. Two months after, namatay ang kapatid ko. Sabi ng nanay ko at tatay ko, kinuha ng lolo ko ang paborito niyang apo.

“Nu’ng namatay ‘yung kapatid ko, tumunog na naman ang train. Hindi na ako makatulog. Parati kong tinitingnan ang side na iyon. Parang halos araw-araw umiiyak na ako sa nanay ko, takot na ako matulog sa kuwarto.

“Doon na-develop ang takot ko sa multo. I was seven years old then. Hindi ako makatulog. Na-train ko nga ang sarili ko na natutulog ako nang nakadilat. Tinitingnan ko ‘yung train kung kailan tutunog,” added John.

q q q

May paawa photos na naman si Kris Something.

She recently posted a series of photos ng kanyang sakit na autoimmune diseases. Kitang-kita ang mga pasa sa katawan ni Kris, enough for her followers na kaawaan siya.

“It wounded me to my deepest core, during my most physical and emotional vulnerable state, that in the midst of battling just discovered autoimmune diseases, the one thing i possessed and felt had to stand firm in protecting, my TRUTH, was being ridiculed.”

That was her caption sa kanyang photos.

Of course, bumaha ng concern sa kanya. Ang daming naawa sa kanyang kalagayan.Pero hindi pa rin siya nakaligtas sa bashing.

“You know what kris? Siguro Ikaw lahat ang binalikan ng KARMA sa ginawa ng mga magulang at kapatid mo! Pagsabihan mo kung sino man post ng post na huwag na nila ipubliko ang kalagayan ng health mo. Keep it private nalang!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Laos na ang mga Aquino. Karma is real talaga.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending