NASAWI ang isang magsasaka nang suwagin ng alaga niyang kalabaw, sa Calauag, Quezon, nitong Martes.
Agad ikinasawi ni Ruperto Panarigan, 58, residente ng Brgy. Kalibu, ang mga mga tinamong pinsala mula sa sungay ng alagang hayop, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.
Naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga, sa isang lote sa Brgy. Binutas.
Ipinapastol ni Panarigan ang kanyang kalabaw nang bigla na lang magwala at manuwag ang hayop, ayon sa pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending