INALAT ang mga kandidatong ikinampanya ng isang kilalang talent manager nitong nakalipas na halalan.
Kasabay nito ay maraming kaibigan rin ang nawala sa kanya dahil sa pera.
Ayon sa aking cricket, rumaket ang kilalang talent manager bilang political infuencer kuno kahit na malabnaw naman ang kanyang kaalaman sa pulitika.
Ang siste, ayon sa aking cricket, ay masyado niyang penersonal ang isyu dahil sa laki ng perang ipinagkatiwala sa kanya ng isang grupo ng mga talunang kandidato.
Umabot ito sa yugto kung saan ay siniraan pa niya ang ilang mga kaibigan na sumusuporta naman sa kalabang partido ng mga kliyente ng baklitang talent manager.
Buong akala niya ay maipapanalo niya ang grupong ito at ilang araw bago ang halalan ay nagpaparinig na ng bonus ang ating bida gayung kahit sa mga nagdaang survey ay kulelat ang mga ikinakampanya niya.
Sinabi ng ilang insider sa isang malaking TV network kung saan may ay may proyekto ang ilang alaga ng ating bida na ipinagpaalam daw niya ang ilan sa kanyang mga sikat na talents kung pwede ba silang mangampanya para sa grupo ng dilawan.
Natural ayon sa aking cricket na hindi pumayag ang pamunuan ng naturang TV network dahil baka mag-boomerang daw sa kanila ang mga isyu sa sandaling matalo sa halalan ang mga manok ng ating bida.
In short ay ganun na nga ang nangyari dahil sa kakungan pinulot ang mga ikinampanya ni Mr. Talent Manager.
Hindi lang ang mga siniraang kabigan ang galit sa kanya ngayon kundi maging ang ilang maliliit na showbiz writer na kanyang kinupitan ng talent fee.
Ang talent manager na rumaket bilang isang political propagandist pero talo naman ang lahat ng kanyang mga ikinampanya ay si Mr. D…as in Disgrasya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.