Janine hahakot ng best actress award para sa 'Dragon Lady' | Bandera

Janine hahakot ng best actress award para sa ‘Dragon Lady’

- May 20, 2019 - 12:20 AM

ANG  tindi at super intense ng mga huling kaganapan sa Kapuso afternoon series na Dragon Lady na pinagbibidahan ng versatile actress na si Janine Gutierrez.

Panalo ang mga bagong paandar ni Janine bilang si Scarlet sa muling pagkikita nila nina Astrid (Joyce Ching) at Vera (Maricar de Mesa). Talagang nagpasikat nang bonggang-bongga si Dragon Lady with her “magic” OOTD.

Inakala kasi ng mga dumalo sa event na nag-ulit ng damit si Scarlet pero nag-dialogue ang bida-kontrabida na doon mismo siya magpapalit sa harap ng mga bisita! Umiikot-ikot lang si Scarlet at bumandera sa lahat ang kanyang sosyal at classy OOTD.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Dragon Lady, isa-isa nang natutupad ni Scarlet ang kanyang planong paghihiganti sa lahat ng mga taong umapi sa kanya. Una na nga panloloko niya kay Michael na halos mabaliw nang malamang pinaglaruan lang siya ng dalaga.

Pangalawa ay ang pagbawi niya kina Astrid at Vera ng lahat ng mga inagaw nila mula sa kanyang ina (Diana Zubiri). Hindi siya titigil hangga’t hindi nakikitang nagmamakaawa sa kanya ang mga ito.

In fairness, agree kami sa mga comments ng viewers at netizens na talagang pang-best actress ang akting ni Janine sa Dragon Lady. Kering-keri niya ang maging bida at kontrabida, ang magpaapi at mang-api. Kaya huwag nang magtaka kung humakot ng award ang dalaga sa mga award giving bodies ngayong taon.

Napapanood pa rin ang Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga, sa direksyon ni Paul Sta. Ana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending