Andrea, Francine nagkakasakitan na sa ‘Kadenang Ginto’ | Bandera

Andrea, Francine nagkakasakitan na sa ‘Kadenang Ginto’

Alex Brosas - May 19, 2019 - 01:15 AM

ANDREA BRILLANTES AT FRANCINE DIAZ

Inaabangan ang pagtatarayan nina Francine Diaz at Andrea Brillantes sa Kadenang Ginto, the undisputed number one afternoon soap sa ABS-CBN.

“Ako po ‘yung naunang nanakit sa kanya. Sobrang nagalit ako sa kanya. Lumaban na po siya sa akin.

Tumapon ang salamin ko. Oh, my God. Ganoon pala ‘yun,” Francine recalled.

“‘Yung scene na ‘yun, kinabahan po talaga ako, nadala rin ako doon,” pag-amin ni Francine.
“Bago po kami mag-away ay tumatawa po kami so nahihirapan po kami ikontrol minsan ang tawa,” dagdag pa ni Francine.

Bukod sa telebisyon, malaking tagumpay din ang natatamasa ng serye sa online world dahil umabot na sa higit 800 million ang total views ng daily highlights nito sa YouTube, kung saan halos bawat video ay pumapalo sa higit isang milyong views.

Marami rin ang pilit na humahabol sa past episodes ng serye dahil ito ang most watched program ng iWant para sa buong buwan ng Abril, kung saan pumapalo naman sa 1.5 million ang daily views nito araw-araw.

Walang humpay din ang pagsulpot ng sari-saring memes tungkol sa serye na lubos na kinatutuwaan ng netizens. Marami rin ang gumagaya sa tarayan ng mge eksena ng palabas.

Isang pagkilala naman ang natanggap ng Kadenang Ginto matapos gawaran bilang Best Daytime Drama Series sa 2019 Golden Laurel Awards ng Lyceum of the Philippines-Batangas dahil sa pamamayagpag ng serye at mahusay na pagganap ng mga karakter nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending