Protesta ikinasa para kapalpakan matakpan | Bandera

Protesta ikinasa para kapalpakan matakpan

Den Macaranas - May 17, 2019 - 12:14 AM

PARA mapagtakpan ang kanilang kapalpakan sa paghawak sa campaign strategy ng ilan sa mga kandidato ng oposisyon ay isang rally ang inorganisa ng isang sikat na PR man.

Ngayong araw ng Biyernes ang kanilang target na petsa para guluhin sa pamamagitan ng kilos protesta ang ginagawang pagbibilang ng National Board of Canvassers.

Sinabi ng aking cricket na hindi matanggap ng ating bida na mali ang kanilang ginawang diskarte para sa ilan sa kanilang mga talunang kliyente partikular na sa hanay ng oposisyon.

At para pagtakpan na rin ang kapalpakang ito ay kanilang inilulutang na nagkaroon ng failure of election.

Pero imbes na maglatag ng manifestation sa Comelec ay napagdesisyunan nilang gawin sa lansangan ang laban sa pag-asang makakuha ng simpatya sa publiko.

Isa na naman itong maling hakbang lalo’t ang gusto lang naman ng matandang PR man ay itago ang pagkakamali ng kanilang grupo sa kampanya.

Isang grupo na rin ng nagpapakilala bilang election watchdog ang kanilang kinumisyon para pangunahan ang gagawing rally.

Imbitado rin sa kilos protesta ang ilang mga malalaking pangalan na indentified sa grupong “Dilawan” para nga naman makahatak ng mas maraming attendance sa ikinakasang pagtitipon.

Pilit na iniiba ng mahusay kuno at multi-awarded na PR guy ang isyu para lamang mailayo sa kanya ang sisi ng mga talunang kliyente.

By the way, dahil kabado ang ating bida na mabisto na isa siya sa mga nagpapaikot sa kampanya ng ilang personalidad sa oposisyon ay may mga nauna na siyang disclaimer sa kanyang social media account.

Laman nito ang ilang pahayag na wala na siyang interes na humawak ng political account pero taliwas naman ito sa kanyang naging papel sa nakaraang halalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang bida sa ating kwento na isa sa mga pasimuno sa mga gagawing rally para sirain ang kredibilidad ng nakalipas na halalan ay si Mr. A…as in Agaton.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending