Benjamin, Sanya walang atrasan sa mga sex scene sa bagong serye | Bandera

Benjamin, Sanya walang atrasan sa mga sex scene sa bagong serye

Ervin Santiago - May 17, 2019 - 12:05 AM

BENJAMIN ALVES AT SANYA LOPEZ

Sa presscon ng Dahil Sa Pag-Ibig kamakalawa ng gabi, natanong si Sanya Lopez kung ano ang napi-feel niya sa tuwing may love scenes siya kina Benjamin Alves at Pancho Magno, “Hindi naman siguro mawawala ‘yung kaba. Pero every time na mayroon akong love scene, nandoon naman ‘yung guys na sumusuporta sa ‘yo.

“Sinasabi nila kapag kailangan mo ng tulong o may mga limitations ka, sabihin mo lang. After naman ng ginawa naming love scene, lagi silang concerned sa akin.

“Yung mga guys namin sinasabi, ‘Okay ka lang? Sure ka? Wala namang nangyari sa ‘yong masama o feeling mo ba na-harass ka?’ Importante ‘yung respect and ‘yung control lang sa isa’t isa,” paliwanag ng Kapuso sexy actress.

Siyempre, kailangan din daw niyang paghandaan ang mga sexy scenes niya sa serye para makasabay sa kanyang mga co-stars, lalo na raw si Winwyn na talaga namang vava-voom ang katawan ngayon.

“Parang kapag kasama mo yata si Winwyn kailangan mo yata ng abs, e! Sila pang tatlo yung may abs.

Parang kailangan mong i-prepare ‘yung sarili mo doon.

“Noong may time pa bago mag-start ‘yung Dahil Sa Pag-Ibig, nag-wo-workout na ako. Lately, kailangan ko nang bawasan ‘yung pagkain ko kasi wala nang time para mag-workout.

“Pero emotionally, physically, ready naman ako,” lahad ni Sanya.

Magsisimula na ang Dahil Sa Pag-Ibig ngayong May 20 sa GMA Afternoon Prime after Bihag.

Makakasama rin dito sina Sandy Andolong, Tetchie Agbayani, Kelley Day, Tep Tep Pineda, Dominic Roco, Devon Seron at marami pang iba, sa direksyon ni Ricky Davao.

Sasagutin ng Dahil Sa Pag-Ibig ang tanong kung hanggang saan ang kayang gawin ng isang misis para sa kaligtasan ng kanyang asawa na nanganganib ang buhay sa ibang bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Handa ba siyang ibenta ang kanyang katawan at pagkatao para muling mabuo ang kanyang pamilya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending