Kyline, Therese may pasabog sa finale ng ‘Inagaw Na Bituin’

May 16,2019
share this

Kyline, Therese may pasabog sa finale ng ‘Inagaw Na Bituin’

May 16,2019
share this

KYLINE ALCANTARA AT THERESE MALVAR

SA finale ng GMA Afternoon Prime series na Inagaw Na Bituin ngayong Biyernes, marami pang rebelasyon at komprontasyon ang magaganap.

Ayon sa mga bida ng serye na sina Kyline Alcantara at Therese Malvar na gumaganap bilang sina Anna/Elsa at Ariela, napakarami nilang natutunan at hinding-hindi malilimutan sa programa.

Natanong ang dalawa kung ano ang memorable scenes nila sa Inagaw Na Bituin, ayon kay Kyline nagmarka sa kanya ang eksena kung saan ibinuking ni Ariela (Therese) on national TV na ampon si Elsa (ang karakter niya).

“I really wanted to do it very raw and yung normal reaction ng taong nalaman na ampon siya for the first time. It’s not easy but I hope I gave justice to that scene,” kuwento ni Kyline.

Para naman kay Therese, hindi niya makakalimutan ang confrontation scene nila ni Angelika dela Cruz sa isang abandoned building, “Sobrang bigat ng confrontation scene namin doon kaya unforgettable siya. I really love scenes like that, and to be in a scene with such a great actress is also an honor.”

Ayon sa dalawang Kapuso young actress, isang malaking karangalan ang makasama sa isang serye sina ang mga A-list actors na sina Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, Angelu de Leon at Marvin Agustin.

Nandiyan din sina Renz Valerio, Manolo Pedrosa, Patricia Tumulak, Alyanna Asistio at Jackielou Blanco.

Pati na rin sina “They would always give me advice on how to hone my craft and to do things always with love and passion. They would always tell me na in this industry, you have to learn that less talk will give you less mistake,” ayon pa kay Kyline.

Advice naman ni Sunshine kay Therese, “She told me that I should make my kontrabida role relatable despite the character’s purpose or role. Make them sympathize, and make them love to hate you as well.”

At sa nalalapit na pagtatapos ng Inagaw Na Bituin, hanggang saan aabot ang galit ni Lucy para gantihan ang kapatid na si Belinda ngayong nasa kamay na niya ang buhay ni Anna? Matupad pa kaya ni Anna ang kanyang mga pangarap?

Sa direksyon ni Mark Reyes, huwag palalagpasin ang huling episode ng Inagaw Na Bituin ngayong Friday na after Bihag as GMA Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending