Tom love na love si Aladdin: Nakaka-relate ako

May 16,2019
share this

Tom love na love si Aladdin: Nakaka-relate ako

May 16,2019
share this

TOM RODRIGUEZ

LOVE na love pala ng Kapuso at Dragon Lady lead actor na si Tom Rodriguez ang “Aladdin.”
Sa kanyang Instagram post, inaming ng binata kung gaano siya ka-fascinated sa Disney character na si Aladdin at kung gaano siya ka-excited na mapanood ang bagong movie version nito na pinagbibidahan nina Naomi Scott, Will Smith at Mena Massoud.

Kasama ni Tom na nanood sa advanced screening ng “Aladdin” ang girlfriend na si Carla Abellana. Bago ito, nag-post pa siya ng throwback video nila ni Denise Laurel kung saan kinanta nila ang “Aladdin” theme song na “A Whole New World.”.

Caption ng Kapuso hunk sa kanyang IG video, “So excited that @carlaangeline and I get to watch the advanced screening of #AladdinMovie later. Aladdin IS my favorite Disney movie and a character I’ve always related to my whole life.”

“I had the utmost privilege of being Al during the 2012 Atlantis production and here is a fun impromptu cover during downtime of a #MagtanggoltheMovie shooting a few years back with the amazing @d_laurel. Thank you @disneyphilippines for the invite! And here’s to all my fellow #diamondintherough out there!!!”

Samantala, patuloy na subaybayan ang Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga. Tutukan kung hanggang saan hahantong ang paghihiganti ni Scarlet (Janine Gutierrez) laban kina Astrid (Joyce Ching) at Vera (Maricar de Mesa).

Bukod diyan, mas paiinitin pa ng Dragon Lady ang hapon sa pag-aagawan nina Michael (Tom) at Goldwyn (Edgar Allan Guzman) kay Scarlet. Sa nakaraang episode nga ay halos magdilim ang paningin ni Goldwyn nang makitang magkasama sina Scarlet at Michael.

Hindi kaya pagsisihan ni Scarlet ang ginagawang pang-aakit kay Michael at pagpapaasa kay Goldwyn? ‘Yan ang kailangan n’yong abangan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending