Vice Ganda naging presidente ng sorority sa FEU; kakaibang initiation rites buking | Bandera

Vice Ganda naging presidente ng sorority sa FEU; kakaibang initiation rites buking

Ronnie Carrasco III - May 16, 2019 - 12:01 AM


And yet another tsikahan with the barangay official ay may nakatsika naman kaming miyembro ng LGBTQ community (Q for Queer).

Siya si Bryan a.k.a. Bianca, dati palang kaeskuwela ni Vice Ganda sa FEU enrolled in Social Psychology class. Mga taong 1994-1997 ‘yon.

Magkaiba ang kinukuhang kurso ng dating classmates. Vice was taking up AB Political Science while Bianca was pursuing BS Psychology.

Ayon kay Bianca, si Vice Ganda ang presidente ng SHE o Sorority of Homosexual Encounters way before LGBT came into being.

Kakaibang initiation rites daw ang pinagdadaanan ng mga nais mapabilang sa SHE. Magsusuot sila ng palda at rarampa sa buong FEU campus itsurang ang taas-taas ng araw.

‘Yun nga lang, na-cut short ang pamumuno ni Vice Ganda as he had to quit school. That time daw kasi’y nagtatrabaho na ito sa mga comedy bar bilang standup comedian.

At present, while Vice Ganda is on cloud 9 sa aspeto ng kanyang personal na buhay, Bianca is in the process of moving on from a 15-year failed relationship.

q q q

Nasa fever pitch pa rin ang taumbayan mula sa nakaraang midterm local at national elections.

Kami man ay nagtataka, nalulungkot, nadidismaya at naghihimagsik sa naging resulta ng botohan sa pagka-senador.

Although we feel just as impassioned sa tuwing isinasabay ang lokal, nakatutok din kami sa pambansang liderato.

But it’s game over now. May mga protesta man ng pandaraya o kung anumang alingasngas, sa bagal ng prosesong umiiral, nakababa na sa puwesto ang inirereklamong kandidato’y hindi pa nadedesisyunan ang kaso.

A recent classic example ay ang tunay na pagkapanalo bilang Vice President ni Ginang Leni Robredo against Bongbong Marcos, at least sa pambansang lebel, na wala ring inilayo sa lokal.

As we say, tapos na ang laban, may nanalo na. But it shouldn’t stop there.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Talasan pa rin natin ang ating five senses, this makes sense para magkaroon ng sense ang ating ipinaglalaban.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending