DALAWANG araw matapos ang eleksyon ay marami pa ring mga guro na hindi pa tapos sa kanilang election duty.
Ayon sa Alliance of Concerned Teachers, kahapon ng tanghali ay 3,253 Vote Counting Machines pa ang hindi nakapagta-transmit ng resulta ng botohan. Tatlong guro ang nagsisilbing Board of Election Inspector bawat presinto.
“Such figure is also equivalent to about 10,000 teachers who are rendering nearly 60-hr straight of election service,” ani Raymond Basilio, Secretary General ng ACT.
Sinabi ni Basilio na hindi maiiwan ng mga guro ang mga VCM at pagkatapos mai-transmit ang resulta ay kailangang dalhin ng mga ito ang election paraphernalia sa opisina ng Commission on Elections.
“We call on the concerned agencies to give justice to the immeasurable sacrifice of teacher-poll workers. At the minimum, they shall ensure that all those who rendered extended poll service due to Comelec’s inefficiency be properly compensated and provided additional service credit. They have been denied their much-needed and deserved rest. Maawa naman kayo sa mga guro,” dagdag pa ni Basilio.
Ang nakakalungkot umano, ang mga problema na bumagsak sa mga guro ay maaaring maiwasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.