Maymay fangirl noon, super idol na ngayon; marami nang natulungan | Bandera

Maymay fangirl noon, super idol na ngayon; marami nang natulungan

Ervin Santiago - May 15, 2019 - 12:30 AM

EDWARD BARBER AT MAYMAY ENTRATA

IBINUKING ng kanyang mga non-showbiz friends si Maymay Entrata sa naganap na birthday celebration niya last Sunday sa ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN.

Maymay has just turned 22 at ilang taon pa lang siya sa showbiz pero napakarami na niyang na-achieve.
Inilarawan siya ng kanyang mga kaibigan bilang dating tagahanga ng mga sikat na artista pero siya na ngayon ang idol ng mga kabataan.

Isang dakilang fangirl lang noon si Maymay mula sa sa isang lugar sa Cagayan De Oro pero ngayon ay isa na sa mga promising young actress ng Kapamilya Network, ayon mismo kaibigan niyang si Erick Sambaan.

“Mahilig talaga ‘yan sa artista,” ang pahayag ni Sambaan. Aniya, hinding-hindi niya malilimutan nang minsang hindi sila kumain ni Maymay para lang makapuwesto sila sa harap ng stage sa isang mall kung saan nag-perform sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Hindi kami kumain kasi gusto nga namin sa front kami para kitang-kita talaga ang KathNiel. Tapos noong lumabas na sina Kath at DJ napakasaya na namin,” kuwento ni Erick.

Kaya noong sumali at nanalo si Maymay bilang Big Winner sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7 (2017) ay masayang-masaya ang mga kaibigan ng dalaga.

Sa loob din ng Bahay ni Kuya nabuo ang loveteam nila ni Edward Barber na isa na ngayon sa mga most promising loveteams ng Kapamilya Network.

Isa pa sa maituturing na achievements ni Maymay ay ang pagiging kauna-unahang Pinay na rumampa sa bonggang-bonggang Arab Fashion Week last year.

“Sobrang nakaka-proud ka dahil nakakamit mo na lahat ng mga pinapangarap mo,” ang pahayag naman ng kaibigan ni Maymay na si Patricia Cañete. “Pagpatuloy mo lang ang pagiging inspirasyon sa mga tao,” aniya pa.

Bumati rin kay Maymay ang kanyang mga pinsan na sina Kathleen at Jap kasabay ng pagpapasalamat sa kanilang “Ate May” sa pagpapaaral sa kanila mula nang mag-artista na ang young actress.

Para naman sa kanyang inang si Lorna, isang napakabuting anak ni Maymay at napakaswerte niya bilang ina ng dalaga.

“Maraming salamat sa lahat ng mga naitulong mo sa pamilya natin. Proud na proud si mama sa lahat ng achievements mo sa buhay,” sabi ni Nanay Lorna.

Nagpasalamat din sa dalaga ang mga tagaBahay Bulilit at Friends of Thai Daughters, ang dalawang charity institution na tinutulungan ng ELM Tree Foundation nina Maymay at Edward at ng kapatid nitong si Laura Barber.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasalukuyang napapanood ang MayWard sa weekly fantasy-romance-action series ng ABS-CBN na Hiwaga Ng Kambat kasama sina Chantal Videla at Grae Fernandez under Dreamscape Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending