Buong pwersa ng GMA News handang-handa na sa Eleksyon 2019
Eleksyon na bukas (May 13) at asahan ang most awarded at pinakapinagkakatiwalaang broadcast news organization sa bansa—GMA News and Public Affairs—sa paghahatid ng pinakakomprehensibo at state-of-the art na pagbabalita sa “Eleksyon 2019: The GMA News and Public Affairs Special Coverage.”
Magsisimula ang GMA election coverage ng 4:30 a.m. at magpapatuloy hanggang sa May 14 ng 10 a.m.
Pangungunahan nina GMA News pillars Mel Tiangco, Mike Enriquez, Vicky Morales, Arnold Clavio, Howie Severino at Jessica Soho ang Eleksyon 2019 coverage. Kasama rin nila ang mga news anchor na sina Pia Arcangel, Ivan Mayrina, Rhea Santos, Connie Sison at Atom Araullo.
Sama-sama nilang ihahatid ang pagbabalitang tatak-GMA News and Public Affairs na “Walang kinikilingan, Walang pinoprotektahan, Walang kasinungalingan. Serbisyong totoo lamang.”
Ipakikita rin sa Eleksyon 2019 special coverage ang bagong 360-degree news set ng GMA kung saan bibida ang dalawang Barco video walls, LED floor, LED video wall, at siyam na LFD monitors.
Mapapanood din ang augmented reality executions na patungkol sa Eleksyon2019.
Matatandaang naglaan ang GMA Network ng P63 million para sa pagbili ng mga state-of-the-art equipment at technology upang pagandahin pang lalo ang paghahatid ng balita at impormasyon sa mga manonood.
Bukod sa mga ito, tampok din sa Eleksyon 2019 ang pagsusuri ng ilang mga eksperto at resource person upang tulungan ang publikong mas lalong maunawaan ang kahalagahan ng eleksyong ito sa mga isyung pambansa.
Makakaasa naman ang mga manonood na agad-agad na ihahatid ng Eleksyon 2019 special coverage ang partial at unofficial results para sa mga posisyon sa national at local elections sa oras na ma-transmit ang election returns.
Maaari namang tutukan ng netizens sa GMA News Online website na Eleksyon 2019 (www.gmanews.
tv/Eleksyon2019) ang live stream coverage ng GMA. Sisimulan naman ng Super Radyo DZBB 594khz ang special coverage ng #Eleksyon2019 sa May 12-14 habang mapakikinggan at mapapanood naman ito sa Dobol B sa News TV.
Sa mga Kapuso abroad, mapapanood din ang “Eleksyon 2019” sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.