Duterte kay John Lloyd: Hindi mo na siya makilala | Bandera

Duterte kay John Lloyd: Hindi mo na siya makilala

Bandera |May 12,2019
facebook
share this

Duterte kay John Lloyd: Hindi mo na siya makilala

Bandera - May 12, 2019 - 01:00 AM

JOHN LLOYD CRUZ AT RODRIGO DUTERTE

Kahit si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi na nakilala ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz nang makita niya ito sa thanksgiving dinner ng Malacañang para sa mga supporters niya sa showbiz.

Walang-wala na kasi sa itsura ni Lloydie ang pagiging matinee idol at leading man dahil sa kanyang “dugyutin look”, sabi nga ng ilang netizens.

Comment ni Digong nang magkita sila ni John Lloyd, “Kita ra ba nako si, kami ni, didto sa party sa Malacañang. ‘Di ka kaila sa iyang bana. Nagpatubo og bungot, nagpataas og buhok.” (Nakita ko siya sa party sa Malacañang. Hindi mo na siya makilala. Nagpatubo ng bigote’t balbas, nagpahaba ng buhok.)

Si John Lloyd ang live-in partner ngayon ni Ellen Adarna na naging girlfriend ng anak niyang si Baste.

Tungkol naman kay Ellen, ito lang ang nasabi ng Presidente, “Pero tinuod ha? Walay binuang, usa sa mga nakit-an nako nga guwapa nga tisay nga Pilipina. Pero walay binuang, gamay lang nga babae, pero kanang porma sa lawas, gwapo kaayo.” (‘Yung totoo, walang biro, isa siya sa mga nakita ko na magandang mestisa na Pilipina. Maliit na babae, pero maganda ang katawan.)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending