Alden may pa-tribute sa lahat ng mga dakilang ina | Bandera

Alden may pa-tribute sa lahat ng mga dakilang ina

Jun Nardo |May 12,2019
facebook
share this

Alden may pa-tribute sa lahat ng mga dakilang ina

Jun Nardo - May 12, 2019 - 12:25 AM

ALDEN RICHARDS

Happy Mother’s Day ngayon sa lahat ng ina.

Maagang bumati si Alden Richards sa mga nanay bago pa man siya lumipad patungong Brooklyn, New York City para sa “Studio 7 Musikalye” concert niya kasama ang iba pang Kapuso performers.

Sa Twitter account ng Pambansang Bae, naglabas siya ng tribute para sa mga ina in collaboration sa global fast food chain na kanyang ineendorso.

Kahit wala na ang kanyang nanay, inaalala pa rin siya ni Alden at kung hindi dahil sa namatay na ina na nagpursige na pumasok siya bilang artista, wala tayong Alden Richards ngayon.

Parte na rin ng showbiz ang mga mommy sa likod ng marami nating artista. May mga mababait at simpleng nanay pero meron ding tinatawag na stage mother at mga pasaway.

Para sa amin parang kulang ang mundo ng showbiz kapag wala ang mga binansagang stage mothers na kadalasan ay source of information ng mga latest chika about their celebrity children.

Anyway, isang masaya at makabuluhang pagbati sa lahat ng mga nanay ngayong Mother’s Day!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending