7 CELEBRITY MOMS NA IBA’T IBA ANG TATAY NG MGA ANAK
NAGMAHAL. Nanganak. Iniwan. Yan ang hashtag #hugot ng mga nanay na nagkaroon ng anak sa iba’t ibang lalaki ngunit patuloy na lumaban para maging isang mabuting ina at ama.
Ngayong Mother’s Day, bigyan natin ng pagkilala ang ilan sa mga celeb moms na hindi nagpatalo sa mga hamon ng buhay at sa mga pangnenega ng ibang tao nang dahil sa pagkakaroon ng mga anak na may iba’t ibang tatay. Saluduhan natin ang kanilang katapangan at paninindigan.
ANDI EIGENMANN
Unang nabuntis at nanganak ang 28-year-old actress noong 2011 sa panganay niyang si Ellie, anak niya sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito. Ngayon, buntis na uli siya sa kanyang second child, courtesy of her current boyfriend, champion surfer Philmar Alipayo.
“Naniniwala ako na hindi ako pwedeng maging best nanay if I’m not in my best as well,” ayon kay Andi.
LJ REYES
Dalawa na ang anak ngayon ng Kapuso actress na si LJ Reyes pero magkaiba rin ang tatay – ang panganay niyang si Ethan, anak niya sa Kapamilya actor na si Paulo Avelino at si Summer Ayanna, ang panganay naman nila ni Paolo Contis. Magkaiba man ang tatay ng dalawang anak, palalakihin niya ang mga ito na mabubuting tao.
“I am glad that in this lifetime, I have become a mother. In this lifetime, I was given the chance to bring into this world two amazing kids. In this lifetime, I am praying to witness my children’s life and their kids to come as well!”
KARLA ESTRADA
Iba-iba rin ang tatay ng apat na anak ng TV host-actress. Unang nabuntis ni Rommel Padilla si Karla at si Daniel Padilla nga ang naging bunga. Ang tatlo pa niyang panganay na anak sa mga sumunod niyang karelasyon ay sina Jose Carlito (anak ng singer na si Naldy Padilla ng Orient Pearl), Margaret at Carmella.
“Totoo iyon na kapag naging mother ka na, marami ka ng takot. Mas takot ka na sa buhay mo, sa mga posibleng mangyari sa iyo. Nu’ng dalaga ako napakatapang ko pero ngayon, iniingatan ko na ang buhay ko para sa kanila.”
KRIS AQUINO
Mag-isang pinalaki ng Queen of All Media ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby. Bata pa lang ay hindi na nakasama ni Josh ang tatay niyang action star na si Phillip Salvador habang ilang taon pa lang si Bimb nang maghiwalay sina Kris at PBA superstar James Yap.
“The best option there for all the single parents is to make the children feel that they don’t have to take sides, that they are loved by both. Kung kagaya niyo ako, and you are a single mom, and this Mother’s Day is not an easy day for you, continue to work hard because iba naman talaga ang nagagawa ng financial independence.”
WILMA DOESNT
May tatlong anak ang model-actress-host sa tatlong iba-ibang lalaki. Tulad ni Kris Aquino, kinaya rin ni Wilma na maging single mother sa kanyang mga anak na sina Asiana, Emilia Svetlana at Araion.
“Iba-iba ang pagkatao nila. Ang ganda, iba-iba ang personality. Mayroon silang kani-kanyang magagandang katangian. Basta ang lagi ko na lang sinasabi sa kanila, ‘You guys are made out of love and respect.’ That’s it. That’s enough. ‘Wag mong turuan ang mga anak na magkaroon ng galit kasi wala naman silang kinalaman.”
CAMILLE PRATS
Pumanaw ang first husband ng Kapuso TV host-actress na Anthony Linsangan noong 2011 dahil sa cancer. Nagkaroon sila ng anak, si Nathaniel. Nagpakasal uli siya after five years kay John Yambao (2017) at nagbunga agad ang kanilang pagmamahalan, si Nala. Buntis uli ngayon si Camille sa kanyang third child.
“I want to be the kind of mom na no matter what happens, I know they will tell me kasi hindi ako magre-react in such a way that I will scare them or will make them feel less loved.”
AIKO MELENDEZ
Proud mom ang award-winning actress kahit na lumaking malayo sa kanilang mga tatay ang dalawa niyang anak na si Andrei Yllana (kay Jomari Yllana) at Marthena Jickain (kay Martin Jickain). Parehong annulled ang kasal ni Aiko sa dalawang ex-husband.
“I’m just very lucky na I have my mom with me. It would have been very, very hard dahil you’re raising your kids on your own. You’re playing a role of a father and a mother.
“I cover up for their dads, only because I don’t want the kids to think less of them. I came from a broken family, too. I know how it feels to have so much hatred for your father. That’s not a good feeling at all. I don’t want my kids to grow up that way.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.