‘Halik’ ni Jericho, ‘Pangako Sa ‘Yo’ ng KathNiel humahataw sa Tanzania, Dominican Republic | Bandera

‘Halik’ ni Jericho, ‘Pangako Sa ‘Yo’ ng KathNiel humahataw sa Tanzania, Dominican Republic

- May 11, 2019 - 12:01 AM

JERICHO ROSALES, YAM CONCEPCION, YEN SANTOS AT SAM MILBY

PATULOY na tinatangkilik ang Kapamilya teleseryes na Halik at Pangako Sa ‘Yo sa iba’t ibang bansa. Umeere na ang dalawa sa pinakapinanood na teleserye ng ABS-CBN sa Tanzania at Dominican Republic.

Ang katatapos lang na top-rating serye na Halik ay tinututukan na rin sa Tanzania simula pa noong Pebrero matapos magkaroon ng deal ang ABS-CBN at ang African multimedia company na Azam Media.

Samantala, ang 2015 remake naman ng Pangako Sa ‘Yo na pinagbidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay ang unang Philippine TV drama na napapanood sa Dominican Republic simula noong Marso sa Color Vision Canal 9.

Dahil sa pamamayagpag ng dalawang telerseye abroad, patuloy na lumalawak ang naabot na mga bansa ng ABS-CBN, na nakapagtala na ng 40,000 hours of content na naibenta worldwide.

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

Maraming fans ang nabihag ng dalawang Kapamilya teleserye dahil sa kapanapanabik nitong kwento.

Naging mainit ang suporta ng madlang pipol sa Halik hanggang sa matapos ito noong Abril. Nakapagtala ang programa ng average audience share na 25% noong nakaraang buwan at naging trending ang finale episode nito.

Samantala, hawak pa rin ng Pangako Sa ‘Yo ang titulo bilang Philippine drama series na napanood sa 16 na bansa. Ito rin ang natatanging internationally adapted Filipino drama na may format buys sa Asia at Latin America.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending