Mega damay sa kanegahan ni utol | Bandera

Mega damay sa kanegahan ni utol

Ronnie Carrasco III - May 11, 2019 - 12:01 AM

DAWALANG borlog na lang comes another historic day para sa ating mga Pinoy. Sa araw na ‘yon nakasalalay ang ating kinabukasan kumporme sa mga lider na ating ise-shade, mapa-local o national.

While there’s national frenzy, kasing-exciting din ang lokal na eleksiyon. Bale ba, a registered voter of Pasay City ay nasa paligsahan ng mga mayor-wannabe si Chet Cuneta, ang kuya ng nag-iisang Megastar na si Sharon at dating kamag-aral ng inyong lingkod.

At press time, sa dalawang okasyon pisikal na nagpakita ng suporta si Sharon sa kanyang Kuya Chet. Una, sa pag-kick off officially ng campaign period kung saan nakaantabay na si Sharon sa Cuneta Astrodome where Chet’s leaders and supporters had earlier converged.

Ikalawa ay nitong April 28, Linggo, sa Villamor Air Base. Sa aming lungsod, ang Villamor Air Base na sakop ng District 1 ay isa sa mga major voting blocks.

Doon naninirahan ang mga retirado nang sundalo kasama ang kanilang mga pamilya, even extended ones including children.

Dapat lang ligawan ni Chet ang lugar na ‘yon sa rami ng mga rehistradong botante. Sa distrito ring ‘yon tumatakbo bilang konsehal ang dating aide de camp (read: bodyguard) ng ama nina Chet at Sharon, ang yumaong Mayor Pablo Cuneta na kung hindi kami nagkakamali was the longest-running mayor sa kalakhang Maynila.

May isyu sa pagitan ng mga Cuneta at ng dating bodyguard ng dating alkalde. But we’d rather not dwell on that kung anuman ‘yon, pero ang tiyak ay may kung anong sama ng loob ang Cuneta clan, or matinding galit to put it bluntly.

Nagkataon na personal naming kilala ang taong ‘yon. Sa katunayan, we’re close to most members of his family.

Ang caucus ni Chet and his team ay nagkataong idinaos kung saan may mga kaibigan din kami. In fact, ka-jamming namin ang university professor na pinagkabitan ng kuryente ni Chet and his team.

Masagwa nga lang ang mga banat ni Chet—hindi patungkol sa kanyang apat pang mayoral opponents—kundi sa dating bodyguard ng tatay nila ni Sharon.

Umuulan kasi ang mga malulutong na “P.I.” mula sa kanyang bibig, na walang iniba sa tabas ng bibig ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mukhang idol na idol ni Chet ang palamurang lider ng bansa, na hindi katanggap-tanggap ng mismong mister ni Sharon na si Sen. Kiko Pangilinan.

Dahil mga “konserbatibo” ang mga residente ng Villamor Air Base, napapailing na lang daw ang mga ito sa paraan ng pangangampanya ni Chet sa halip na iangat ang kanyang sarili kung ano ang kanyang magagawa para sa lungsod should he get elected as the next mayor.

May bawing pabebe naman daw si Sharon sa mga nagsipuntahan sa caucus: “Kung love n’yo po ako, mahalin n’yo rin po ang Kuya Chet ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kelan pa nagkaroon ng package deal sa pulitika?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending