2019 Thunderbird Manila Challenge 6-Cock All-Star Derby lalarga sa Mayo 22 sa Big Dome
MATAPOS na makumpleto ang lahat ng Regional 5-Bullstag/Cock Derbies sa buong bansa ay nakahanda na ang pinakahihintay na sagupaan sa 2019 Thunderbird 6-Cock All Star Derby na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Mayo 22.
Ang event na ito ay kinikilala bilang pinakaprestihiyoso at pinakamahigpit na one-day event sa Philippine cockfighting sa taong ito.
Ang Thunderbird – the winning formula, ang pangunahing gamefowl feeds at vetmed company sa Asya, ay umpisang nagtanghal ng taunan nitong Thunderbird Challenge noong 2010 sa Isla ng Boracay.
“Ang layunin ay mai-promote ang sabong at local na turismo,” pahayag ni AVP-Marketing Francis M. Martinez.
Ang mga nakalipas na Thunderbird Challenge ay isinagawa rin sa Palawan (2011), Dapitan (2012), Bohol (2013), Ilocos (2014), Davao (2015), Iloilo (2016) at Maynila (2018).
Dahil sa 50 kumpirmadong kalahok, ang 2019 Thunderbird 6-Cock All Star Derby ay magpaparada ng 150 na sultada.
Ang national champion ay mag-uuwi ng brand new Toyota Hilux Type G, bilang karagdagang premyo sa nakalaang cash prize. Ang champion’s handler naman ay tatanggap ng isang TMX 125 cc motorcycle, samantalang ang mananalong mananari ay makakakuha ng isang set ng tari mula sa Ampy Tari shop.
Ilan sa mga pinakaabangan ng sabong fans ay ang mga entry nina 2019 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby champion Engr. Sonny Lagon, muti-awarded Dicky Lim ng Palawan, Nestor Vendivil ng Nueva Ecija, 4-time World Slasher winner Tata Rey Briones ng Masbate, Gov. Eddiebong Plaza ng Agusan del Sur, back-to-back Slasher Cup champ Frank Berin ng Isabela, BNTV Cup’s Joey Sy, Bakbakan champ Engr. Sonnie Magtibay ng Palawan, Ormoc Gold breeder Bernie Tacoy, Boy Marzo ng La Union, Baham Mitra ng Palawan, Redbull Gamefarm’s Carlos Tumpalan, Bicolano Teng Rañola, Cong. Larry Wacnang ng Kalinga, Bebot Monsanto ng Cebu, Mayor Jesry Palmares ng Iloilo, Ormoc City’s Winnie Codilla, Dennis De Asis ng Bacolod, Pitmasters’ champ Hermin Teves ng Dumaguete, Marcus Del Rosario ng Capiz, Mayor Baba Yap ng Bohol, Alvin Ong ng Cebu, Vic Lacsao ng Negros, magkapatid na Lino Mariano at Tol Mariano ng South Cotabato, Bentoy Sy ng Zamboanga del Norte, Tan Brothers ng Davao, Manny Dalipe ng Zamboanga City, Armand Santos ng Laguna, Toni Lizares ng Bacolod, Randolf Plaza ng Butuan at ang solong defending champion na si Engr. Expedito Taguibao ng Cagayan.
Guest participant naman si Nene Araneta
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.