PARANG hindi talaga maintindihan ng Grab na ang negosyo nila ay nakatuon sa pasahero at hindi sa drivers nila.
Dahil nitong nakaraang linggo ay muling naglabas ng nakakainis na polisiya ang Grab na magpaparusa sa mga parokyano nito.
Ito ay ang P50 charge sa pasahero kung magkakansela ito ng booking sa mga sasakyan ng Grab.
Ayon sa Grab, ito ay upang mabawasan ang insidente ng mga cancellations ng mga pasahero na nakakaistorbo sa pasada ng kanilang mga sasakyan.
Subalit ayon sa mga Grab passengers, madaming istilo ang mga drivers ng Grab para ang mga mananakay mismo ang magkansela kahit ayaw nila.
Kasama na rito ang mabagal na pagdating sa pick up point, ang request na ang pasahero ang magpunta kung nasaan, o ang diretsang pang-aasar sa mga kliyente nila para huwag na ituloy ang booking.
Kung sana ay, tulad ng mga drivers ng Uber noon, magalang at maayos ang mga driver ng Grab, baka pumayag pa ang pasahero.
Pero karamihan sa driver ng Grab ay mga dating taxi driver na masyadong maangas at mareklamo. At bagamat masugid sa training ang Grab sa mga drivers nila, masyado pa ring madaming mga loko na nakakalusot.
Sa ngayon ay ipinahinto muna ng LTFRB ang bagong policy na ito ng Grab. Pero sana, ayusin muna ng Grab ang priority nila at ito ay ang kapakanan ng mga pasahero nila.
Para sa komento o suhestiyon, sumulat lamang sa [email protected] o sa [email protected].
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.