Ai Ai ayaw nang magdagdag ng talent: Iwas na sa stress! | Bandera

Ai Ai ayaw nang magdagdag ng talent: Iwas na sa stress!

Jun Nardo - May 09, 2019 - 12:25 AM

AI AI DELAS ALAS

AYAW nang dagdagan pa ni Ai Ai delas Alas ang kanyang mga talent dahil sa Ex-Battalion daw ay quota na siya. Parang mga anak na rin daw ang turing niya sa mga ito.

“Parang mga anak lang din na mga pasaway. Sanay naman ako, nanay din naman ako. Tatalakan nang konti, lalambingin ng konti, uutu-utuin nang konti. Nakikinig naman sila, huwag lang topakin,” sabi ng Comedy Queen.

Sa panayam ng GMA natanong kung may balak pa siyang magdagdag ng bagong talent, “Ay hindi! Ayaw ko na! Ayaw ko muna, okay naman ako. Ayaw ko na, ayaw ko na ng stress.”

“Okay na ‘yon, Ex B na lang muna,” sabi ni Ai Ai. Ang dami ko rin inaasikaso. Paano ko maaasikaso ‘yung mga negosyo ko kung magma-manage pa ako ng ibang tao bukod sa Ex B.

“Siguro tulong. May tinutulungan din akong girl group pero hindi ‘yung full management,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending