Pagtatambal nina Alden at Kathryn sa TV commercial inalmahan ng AlDub fans
INALMAHAN ng ilang fans at netizens ang pagsasama nina Kathryn Bernrdo at Alden Richards bilang endorsers ng isang local ice cream brand.
Perfect timing nga naman ang pagkuha sa dalawa bilang endorsers ng nasabing brand dahil sa ginagawa nilang pelikula ngayon, ang “Hello Love Goodbye”.
‘Yung fans and social media followers ni Alden, pinag-trending sa Twitter PH ang gamit na hashtag kasama ang tatak ng ice cream. Marami rin ang nagpahayag ng suporta sa fresh na fresh na tandem nina Kath at Alden, huh!
Hindi rin naman nagpadaig ang fans ni Maine sa Twitter. Pinag-trend din nila ang hashtag kung saan kasama ang isang brand ng deodorant na endorsement ni Meng.
May ilang pilyo pang netizens ang nag-post ng sweet photo nina Maine at Arjo Atayde na kuha sa isang event na in-organize ng supporters ng Dubsmash Queen.
Anyway, tapos na ang shooting sa Hong Kong nina Kath at Alden. Inilabas na rin ang names ng character nila sa kuwento bilang sina Joy at Ethan.
Ang AlDub Nation naman, buhay pa rin sa Twitter gamit ang hashtag na #ALDUBXADNDoGoodAlways.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.