Maymay kay Edward: Nandoon ako nu’ng sobrang down na down na down siya
GUSTO na sanang sumuko noon ni Edward Barber sa pag-aartista pagkatapos ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.
Thanks to his ka-loveteam na si Maymay Entrata na siyang nagpalakas ng loob ng binata noong nawawalan na ito ng pag-asa dahil sa mga challenges na naranasan nila tatlong taon ang nakararaan.
In fairness, nagbunga naman talaga ang pagsasakripisyo at pagsisipag nina Maymay at Edward dahil isa na ang kanilang loveteam sa pinakasikat ngayon sa bansa.
Ayon kay Maymay, proud siya kay Edward dahil ibang-iba na ito ngayon, na-witness daw niya kung paanong nakipaglaban ang binata sa mga hamon ng showbiz.
“Nakita ko po yung pagiging palaban niya na dati po, ‘Ayoko, ayoko.’ Tapos ngayon, parang siya na yung laging mas palaban sa aming dalawa.
“Nakita ko po si Dodong (tawag niya sa ka-loveteam), sobrang nag-improve po siya sa sayaw. Hindi na niya po kailangan ang tulong ko.”
Patuloy ng dalaga, “Kasi dati, kapag nagri-rehearse kami ng ASAP, pumupunta pa kami ng gym para para mag-rehearse hanggang 1 a.m.. Tapos konti lang yung (steps), inaabot pa kami ng pagri-rehearse ng ilang oras.
“Ngayon po, hindi na niya kailangan. Masaya po ako na nandiyan na naggu-grow siya,” sabi pa ni Maymay sa nakaraang presscon ng bago nilang weekend fantasy series sa ABS-CBN na Hiwaga Ng Kambat.
Hirit pa ng young actress, “Saksi po ako kung paano siya nag-improve talaga. Kasi nandiyan ako nu’ng sobrang down na down na down siya.
“Sobrang halos sabihin niya na, ‘Ayoko na.’ Pero ngayon, nakita niyo naman kung gaano siya kapalaban, kaya sobrang proud na proud ako sa ‘yo,” aniya pa.
Paliwanag naman ni Edward, naranasan niyang ma-down noong first yeat niya sa showbiz, “Especially at the beginning, yung first ASAP ko po, dun nagsimula.
“First ASAP dance prod, nagkamali ako. Since then, medyo bumaba ang self-confidence ko,” pag-amin ng binata.
Ito ang ginamit niyang motivation para mas pagbutihin ang kanyang trabaho, “When you’re at the bottom, the only way you could go is up.”
Kaya naman sobra ang pasasalamat niya kay Maymay na laging nasa tabi niya para alalayan at pasayahin siya.
Marami-rami na ring achievements ang MayWard, kabilang na nga riyan ang iginawad kay Maymay na German Moreno Youth Award sa katatapos lang na 67th FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) Awards.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.