NANAWAGAN kay Pangulong Duterte ang ilang grupo sa Lanao del Sur at Marawi City kung saan talamak umano ang vote buying para sa May 2019 elections.
Sumulat ang mga retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa Malacanang at sinuportahan ito ni Atty. Salic Dumarpa at 675 iba pang botante sa probinsya.
Noong Abril ay sumulat din ang mga grupong sa Commission on Elections upang hilingin na isailalim ang probinsya sa kontrol nito.
Limang politiko umano na kumakandidato sa mga lokal na posisyon ang nagsama-sama upang bumili ng boto sa halagang P6,000 bawat isa. Nakahanda na umano ang pera at ang sample ballot na ibibigay sa bibilhing botante.
“Your fears that dirty politicians will destroy the sanctity and credibility of the elections through massive vote-buying is now happening in the province of Lanao del Sur and in Marawi City,” ani Dumarpa sa sulat.
Ang mga kapitan umano ng barangay ang ginagamit ng mga pulitiko sa kanilang bote buying activities. Isang gubernatorial candidate din umano ang nagbigay ng tig-P200,000 sa bawat kapitan at pinangakuan ang mga ito ng mga proyekto kapag nanalo.
“Mr. President, we submit that there is no better excuse to the foregoing mockery of the electoral process but to make good your policy ‘to declare a failure of elections in the province of Lanao del Sur and Marawi City,’” dagdag pa ni Dumarpa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.