Ben Tulfo basag na basag sa pang-aalipusta kay Regine, akala mo kung sinong matalino
THE phony twangy Ben Tulfo must know a lot about Regine Velasquez.
Sa dinami-dami kasi ng mga entertainer (lang!) na pumuna at patuloy na pumupuna sa administrasyong Duterte, its supporters and appointees alike ay bukod-tanging kay Regine lang siya nag-react as though it was the first time a local entertainer (lang!) had the guts para magkomento tungkol sa sinabi ni DFA Sec. Teddy Boy Locsin.
Tulfo, a certified pro-Duterte, has taken the cudgels for Teddy Boy sa pamamagitan ng paglibak kay Regine at sa kitid ng utak nito.
Napakatalino pala ni Ben, na kilala sa kanyang twang kapag bumabanat ng Ingles sa ere. Malawak siguro ang kaalaman ni Ben to downgrade Regine na, oo nga pala, isang hamak na entertainer lang na walang laman ang utak.
Parang sinabi na rin ni Ben na porke’t isang entertainer lang si Regine ay wala siyang K na ipahayag ang kanyang mga saloobin lalo pa’t kung ang masasagasaan ay maka-administrasyon?
For someone like Ben who professes to be a broadcast journalist, dapat alam niyang bawat isa sa atin ay entitled na magbigay ng opinyon on matters where national interest is concerned.
Hindi kailangan ni Regine na magpakatalino not to share her thoughts lalo’t bukod sa current ang isyung pinag-uusapan ay interes ‘yon ng bawat mamamayan.
Hindi lang si Regine ang nasa mundo ng local entertainment who has expressed her thoughts.
Marami na sa hanay ng mga singer at artista have taken to social media their feelings towards the present government.
Why single out the Asia’s Songbird?
q q q
By now, tiyak na marami at dumarami ang mga kapwa entertainer (lang) ni Regine ang umaalma para sa kanya.
Napaka-condescending naman kasi ang pagtawag ni Ben sa kanya as a mere entertainer who had better focus on her craft than dipping her finger into an issue na wala siyang kaalam-alam.
Hindi pa nasiyahan, Ben has gone as far as calling Regine “laos.” Ows, kailan at paano?
Not because she moved in to another station ay masasabing Regine’s glory days are over. Sa aspetong ito limitado ang nalalaman ni Ben.
Thank God, Regine—the damsel in distress—has found a knight in shining armor in her husband Ogie Alcasid. Mapagkumbaba’t marespeto pang in-address ni Ogie na “sir” si Ben na isang misogynist yata.
And by the way (here’s the rub), kumusta na nga pala ang kasong kinasangkutan ni Ben at ng kanyang dalawang syupatembang na sina Wanda Teo at Erwin Tulfo tungkol sa ilang milyong piso kaugnay ng advertising contracts with the DOT?
Off the hook na ba si Ben? Hindi ba’t ipinatawag sila noon sa Senado, anyare na sa kaso?
Sana’y nag-isip-isip din si Ben na mataba pala ang utak bago niya alipusthin si Regine nang bonggang-bongga.
Ben should have reexamined himself dahil tiyak na uungkatin ng publiko ang anomalyang ‘yon, ke mga fans pa sila ni Regine o hindi.
We’re no big fan of Regine. Pero may respeto (not necessarily paghanga o pagkabilib) kami sa karamihang mang-aawit by not addressing them as entertainer lang.
Ang isyu kasi kay Locsin ay tungkol sa giant clams na pinuna ni Regine na mga Chinese ang nagpapakasasa.
And Regine Velasquez being just an entertainer ay malayung-malayo kahit sa tahong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.