Dagdag sahod hindi pa rin nakukuha ng mga guro | Bandera

Dagdag sahod hindi pa rin nakukuha ng mga guro

Leifbilly Begas - April 29, 2019 - 06:22 PM

HINDI pa umano natatanggap ng lahat ng guro sa pampublikong paaralan ang dagdag sa sahod mula sa fourth tranche ng Salary Standardization law.

Ayon sa Alliance of Concerned Teachers nagrereklamo ang mga guro mula sa Region III, IV-B, V, X at XII dahil wala pa ang umento sa sahod kahit pirmado na ni Pangulong Duterte ang 2019 national budget.

Noong Marso 20 ay inilabas ng Malacanang ang Executive Order 76 upang mailabas na ang umento sa sahod kahit hindi pa pirmado ang budget. Pero lumabas na umano ang sahod para sa buwan ng Abril pero hindi kasama rito ang umento.

“We cannot understand this prolonged and unnecessary delay on the release of the much-needed, though measly, salary adjustment for teachers. By now, our attention should be on the fulfillment of Pres. Duterte’s promised substantial pay hike but instead we are being compelled to press them to release what is long overdue,” ani ACT

National Chairperson Joselyn Martinez.

Sinabi ni Martinez na mahalaga para sa maraming guro ang dagdag kahit na maliit lamang ito dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending