Pantay na minimum wage sa buong bansa isinulong | Bandera

Pantay na minimum wage sa buong bansa isinulong

Leifbilly Begas - April 29, 2019 - 02:20 PM

UMAPELA si Bayan Muna chairman Neri Colmenares sa Kongreso na aksyunan ang panukala na magtatakda ng minimum wage sa bansa upang matulungan umano ang mga manggagawa na kulang ang sinasahod para sa kanilang pangangailangan.

Ayon kay Colmenares noong 1989 ay binuo ng Kongreso ang regional wage board upang magtakda ng minimum na suweldo sa bawat rehiyon.

Dahil nagkompitensya ang mga rehiyon sa pababaan ng sahod upang makahikayat ng mga mamumuhunan ay nalugi umano ang mga manggagawa.

“It has created the situation where minimum wage workers can’t even earn enough to provide their families the most basic needs,” ani Colmenares.

Batay sa pag-aaral ng IBON Foundation sinabi ni Colmenares na ang breadwinner sa isang pamilya na mayroong limang miyembro sa Metro Manila at dapat kumita ng P1,004 kada araw o P23,660 kada buwan para matugunan ang kanilang pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, damit, edukasyon, transportasyon at iba pa.

Malayo umano ito sa kasalukuyang P537 daily minimum wage sa kasalukuyan.

“It appears that our regional wage boards have pegged the minimum wage to the poverty threshold instead of the actual cost of living. This is wrong and unjust. We want our workers not only to survive but to escape poverty. We can’t do that by keeping wages below the cost of living,” ani Colmenares.

Sinabi ni Colmenares na dapat ay gawing pantay-pantay na rin ang minimum wage sa buong bansa.

“Besides, by keeping wages so low in the provinces, you have workers flocking to Metro Manila. This creates more problems in terms of urban congestion,” dagdag pa ng dating kongresista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending