SOLENN payag maging tomboy, handang romansahin si CARLA
Ito namang si Solenn Heussaff ay nagsabing handa siyang makipaglaplapan kay Carla Abellana sa isang proyekto. Ito’y matapos ngang magsalita si Carla na payag siyang makipag-kissing scene sa kapwa-babae basta kasing-ganda at kasingseksi ni Solenn.
Nang tanungin si Solenn tungkol dito, “Why not? Maganda rin naman siya! Wala namang problem sa akin if I do a kissing scene with her. Part ng acting naman ‘yon, di ba? Tapos, maganda si Carla. Super blooming na blooming.
Kaya game ako! “At feeling ko, hindi ko na kailangang paghandaan kapag ganu’ng scene. Mabilis namang mag-kiss, e. Ha-hahaha!
Bakit ako kailangang maging maarte pa? I think it’s interesting na mag-portray ng role of a lesbian. Kaya okey lang ‘yon sa akin,” pahayag ng sexy actress sa isang interview.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.