GOOD morning mam, tanong ko lang po ano po ang dapat gawin dahil namatay po ang mother ko month of May 2008 pero ang employer niya ay nakapaghulog pa sa SSS for the month of June 2008. Nais po mag claim ng aking father, ano po ang dapat niyang gawin? Mara-ming salamat and more power.
REPLY: Ito po ay bilang tugon sa inyong liham kung saan itinatanong ninyo kung paano kayo makakapag-file ng benepisyo dahil sa pagkamatay ng inyong ina.
Dalawa po ang maaari ninyong matanggap na benepisyo, ang funeral at death benefits.
Ang una pong dapat i-file ay ang funeral claim. Kailangan po na mag-fill up ng form para sa funeral benefit ang sinuman na nagbayad ng pagpapalibing ng inyong ina. Punan ito at ilakip ang death certificate ng inyong ina na rehistrado sa Local Civil Registrar o galing sa Philippine Statistics Authority, official receipt mula sa punerarya, UMID or dalawang valid IDs ng inyong ina at ng claimant.
Para naman po sa death claim, kailangan po na mag-fill up ng death benefit application form ang inyong ama.
Isumite ito sa SSS kasama ang kopya ng death certificate ng in-yong ina na rehistrado sa Local Civil Registrar o galing sa Philippine Statistics Authority, marriage contract ng inyong mga magulang, birth certificate ng minor na anak kung meron man, UMID o dalawang valid IDs po ng inyong ina at ama.
Ang mga form na ito ay maaaring makuha sa mga tanggapan ng SSS o di kaya ay i-download at i-print mula sa www.sss.gov.ph.
Maaaring i-file ang inyong mga claim sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa inyong lugar.
Nabanggit ninyo na naghulog pa ng contribution ang employer ng inyong ina matapos ang buwan ng kayang pagkamatay. Pinapayuhan namin kayong humingi ng sulat mula sa kanyang employer na nagsasaad na sila ay nagkamali sa pagbabayad ng hulog para sa inyong ina matapos siyang mamatay.
Kailangan nilang ilakip dito ang mga dokumento na magpapakita ng pagbabayad na ito.
Sa pamamagitan ng sulat ng inyong employer, magsasagawa ang SSS ng verification ng contributions ng inyong ina at batay sa mga dokumento ng employer, ang sobrang hulog ay tatanggalin sa records ng inyong ina.
Kapag ang contributions ng inyong ina ay naisaayos na, maaring nang maproseso ang funeral at death benefit para sa inyo.
Sana po ay nabigyan naming ng linaw ang inyong katanungan.
Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
May Rose DL.
Francisco
Acting Department Manager
Media Affairs Department
SSS MEDIA
AFFAIRS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.