Baron ‘sinasaniban’ sa harap ng camera; bagong kalaban ni Coco    | Bandera

Baron ‘sinasaniban’ sa harap ng camera; bagong kalaban ni Coco   

Alex Brosas - April 27, 2019 - 12:04 AM

ANG lakas ng dating ng pagbabalik ni Baron Geisler sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Unang eksena pa lang niya bilang lider ng bank robbers ay talagang nagnakaw na siya ng eksena. He made his strong presence felt at alam mong siya ang bagong aabangan sa number one teleserye sa bansa.

Marami rin naman ang na-happy dahil nakabalik na rin siya finally sa telebisyon after a long hiatus.

“Go @Baron G. I believe your acting’s best good luck mahusay ka na artista. Wag mo sayangin.”

“Galing ni Baron as kontrabida sa AP. Expression pa lang ng mukha, hate mo na siya.”

“Ang galing talaga maging kontrabida ng idol Baron Geisler.. namin. Matakot kana. Balik serbisyo na sila Cardo Dalisay.”

“Ito ang magandang kontrabida kasi 100% maiinis mga tao. Hahahhahahaha!”

“Saludo ako kay Baron sa husay sa pag arte pagalingan sila ni Cardo at mainit ang labanan dyan.”

“Sana nga magpakatino na si Baron at umiwas na sa gulo. Wag na nyang sayangin ang binigay na chance sa kanya ni Coco Martin. Kapag sinayang niya ito siguradong wala na siyang pag-asang magbago.”

Sa galing ni Baron ay napagbigyan siya ng chances na makabalik uli sa telebisyon. Iba kasi ang atake niya sa bawat role. Parang sinasaniban siya sa bawat karakter na kanyang ginagawa.

He is seamlessly good in his every portrayal at talagang markado palagi ang kanyang pag-atake. Siya lang yata ang ganoon sa kanyang mga kaedaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending