Ben Tulfo mas sawsawero kesa kay Regine, epal daw | Bandera

Ben Tulfo mas sawsawero kesa kay Regine, epal daw

Ambet Nabus - April 27, 2019 - 12:04 AM

LUBOS naming nauunawaan ang pagtatanggol na ginawa ni pareng Ogie Alcasid sa asawang si Regine Velasquez laban sa komentaristang si Ben Tulfo.

Sa pagdepensa kasi ni Ben Tulfo kay DFA Sec. Teddy Locsin hinggil sa usapin na may konek sa pangunguha ng giant clams sa pinag-aawayang Panatag Shoal ay tinawag niyang “boba” ang Songbird at kulang na lang ay tawagin pa niya itong “laos”.

Shoals.

Ginamit ni Regine ang mga salitang, “Akala ko matalino ka!” sa pagpuna niya sa “stand” ni Sec. Locsin, na siya namang pinanggagalingan ng “violent” reaksyon ni Tulfo.

Galit na galit si Tulfo sa pakikisawsaw daw ni Regine sa national issue at pinayuhan pa itong mag-focus na lang sa pagkanta.

Wala kaming makitang “mali” sa naging opinyon ni Regine, at siguradong ganyan din ang feeling ni Sec. Locsin kaya hindi niya binalikan ang asawa ni Ogie. Kaya ang tanong ng mga fans ni Regine, bakit si Ben Tulfo ang galit na galit kay Songbird at talagang grabe ang pang-iinsulto nito sa pagkatao ni Regs.

Actually, siya ang dapat tawaging sawsawero at epal tulad ng komento ng ilang netizens. Pwede naman daw siyang magbigay ng kometaryo about the issue nang hindi minamaliit o nilalait si Regine.

Marami ring nagtanggol kay Regine sa tila pangmemenos o pangmamaliit ni Ben Tulfo sa mga taga-showbiz sa pagbibigay ng kanilang mga saloobin tungkol sa mga usaping may kinalaman sa bansa.

Kung meron mang magandang naidulot ang isyung ito, mas dumami raw ang mga Pinoy ang nagsasaliksik at nag-aaral ngayon kung paano nga silang makakatulong para ma-pressure ang gobyerno ng Pilipinas at China na lutasin na ang usaping ito na deka-dekada na ang binibilang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending