Male celebrity walang balak pakasalan ang dyowa, madaling magsawa sa babae
IKINUMPARA sa isang sasakyan ng magkakaumpukang personalidad ang isang pamosong aktor. Magaling lang kuno sa arangkada ang kilalang male personality pero butata naman sa rektahan.
Ibig sabihin, magaling lang sa umpisa ng pakikipagrelasyon ang lalaking personalidad pero kapag nagtagal-tagal na ay biglang nanglalamig na siya, mabilis siyang magsawa.
Kuwento ng aming source, “Oo nga! Ganu’n nga siya! Napakalambing niya sa una, talagang kikiligin ka sa klase ng paglalambing niya sa girlfriend niya, di ba?
“Pero kapag nakakailang buwan na sila, e, biglang nagbabago na siya, hindi na siya malambing, mas gusto pa nga yata niyang mga kabarkada ang kasama niya kesa sa girlfriend niya, e!” simulang chika ng aming impormante.
Kung babalikan ang mga nakaraang relasyon ng aktor ay maraming magpapatunay na mabilis nga siyang magsawa. Kung nagbibilang nang maraming taon ang ibang personalidad, siya naman ay parang matagal na ang dalawang taon, pagkatapos ay nauuwi na ‘yun sa hiwalayan.
“Ganu’n ang mga past relationships niya. Isa, dalawa, ‘yun na! Para nga pala siyang sasakyan, sa arangkada lang siya malambing, pero kapag nagtagal na, e, parang nagsasawa na siya!
“Ewan lang kung hanggang kailan sila magtatagal ng kasalukuyan niyang girlfriend. May pinagkakasunduan silang isang bagay, pero ewan lang kung magtatagal sila, ha? Knowing that guy na madaling magsawa sa karelasyon niya, baka mabigla na lang tayo one day, kasi, tapos na rin pala ang relasyon nila!
“Hindi siya mahilig sa engagement, panandalian lang ang relasyon na puwede niyang i-enjoy, kasi nga, madali siyang manglamig sa partner niya.
“Bakit nga kaya? Hindi naman puwedeng sabihin na iba ang hanap niya, kasi, lalaking-lalaki siya talaga!” pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo siya, ang galing-galing niyang umarte at miss n’yo na siya, di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.