Agot Isidro kinampihan si Regine kontra Tulfo: Matanong lang, nasaan na po ang 60M? | Bandera

Agot Isidro kinampihan si Regine kontra Tulfo: Matanong lang, nasaan na po ang 60M?

Ervin Santiago - April 26, 2019 - 05:43 PM

AGOT ISIDRO

PALABAN at wala pa ring inuurungan si Agot Isidro!

Kinampihan ng singer-actress si Regine Velasquez laban kay Ben Tulfo matapos nitong pagsalitaan ng masasakit ang Asia’s Songbird para lang ipagtanggol si Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin.

Ito ‘yung tungkol sa isyu ng ilegal na pagkuha at pagsira ng giant clams ng mga Chinese fishermen sa Scarborough Shoal.

Ni-retweet ni Agot ang sinabi ni Regine laban kay Locsin na, “Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay simpling tao lamang na may simpleng pagiisip. These people are invading our territory they are not just taking food sinistral nila ang ating karagatan!!!!” At nag-comment ng, “Once a Queen, always a Queen. [crown emoji].”

Bwelta naman ni Agot kay Ben Tulfo, “Isa pa itong walang kwentang hanash. [fuming emoji]. Matanong lang. Nasaan na po ang 60M???”

Ang tinutukoy na “P60M” ng Kapamilya actress ay ang government funds na ibinayad ng Department of Tourism sa isang ad placement sa show ni Ben at kapatid na si Erwin Tulfo sa PTV4. Ang DOT secretary noon ay ang kapatid nilang si Wanda Teo, na napilitang mag-resign dahil sa kontrobersiya.

Dahil sa pakikialam daw ni Agot sa issue nina Regine at Tulfo, isang netizen na may handle name na @Laurenc78610396 ang bumatiko sa kanya.

Hirit nito, “Ask lang my kwenta ka ba? My naitulong ka ba. lakas mo mag salita laban sa ibang tao, ikaw ba natanong mo sarili mo.

“Look for yourself first before give a comment to someone else. kasuka ka [vomiting emojis].”
Of course, sinagot siya ni Agot, “Do I know you? Do I need to tell everyone what I do to help people?”

“Also I looked for myself in the mirror, andun pa naman ako,” hirit pa niya bilang pang-aasar sa netizen sa maling Ingles nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi rin ni Agot na ini-screenshot niya ang tweet ng basher, “Just in case, burahin nya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending