Janjep Carlos handa nang lumaban sa Mr. Gay World 2019, nagpasampol pa ng ‘vaklava walk’
PATOK na patok ang “vaklava walk” ng reigning Mr. Fahrenheit at Mr. Gay World Philippines 2019 na si Janjep Carlos.
Si Janjep ang magiging official representative ng Pilipinas sa Mr. Gay World 2019 na gaganapin sa May 4 sa Cape Town, South Africa.
“Sobrang nakaka-pressure, kasi especially yung last delegate na ipinadala ni Boss Wilbert sa Mr. Gay World which is John Raspado, is siya yung nag-title.
“Tapos as you all know, most of the people expect too much from the Philippines kasi we are now, isa sa mga powerhouse pagdating sa pageantry, so ang laking pressure para sa akin, kasi they expect too much from me!” ang pag-amin ni Janjep nang humarap sa entertainment media kamakalawa para sa kanyang presscon-send-off hosted by Mr. Gay-World Philippines National Director na si Wilbert Tolentino na siya ring first ever Mr. Gay World-Philippines noong 2009.
Si Wilbert rin ang may-ari ng One 690 Entertainment Bar (kung saan ginanap ang presscon/send-off para kay Janjep) at Apollo KTV and Bar. Siya rin ang tumayong manager for a time ng Thai internet star na si Mader Sitang nguni’t nauwi rin agad sa hiwalayan bilang talent-manager na muntik pang humantong sa demandahan.
Ibinalita ni Wilbert na nasa ikalawang puwesto ngayon si Janjep (nangunguna si Mr. Hungary) para sa Social Media Award ng Mr. World.
Ayon kay Janjep, ang advocacy niya ay may kinalaman sa mental health na may hashtag na #IllnessTo Wellness, “Actually right now I am partnering with Mental Health PH . Isa siyang organization na promotes awareness about mental health thru social media.
“So sa tingin ko magandang platform siya para sa akin para mai-push ko yung advocacy ko to spread awareness, especially about depression, kasi it’s very timely and relevant especially with the LGBT community,” aniya pa.
Bago pa magwaging Mr. Gay World-Philippines ay nakabisita na siya sa Cape Mental Health sa South Africa na isang mental rehabilitation facility para sa mahihirap na komunidad doon.
“I had the chance to visit Mental Health Cape Town para makita ko yung situation nila. Nakaka-inspire kasi pag nakita nyo yung mga taong nagdadaan sa depression, nakaka-touch, mas mapu-push mo yung advocacy mo,” kuwento ni Janjep.
Kahit open ang pagiging macho gay, may mga babae pa ring nagkakagusto sa kanya, “There were cases na may mga babaeng very vocal sa nararamdaman nila sa akin, sinasabi nila. But eversince naman, hindi ako nagtago kung ano yung tunay kong pagkatao.
“So sinasabi lang nila but they know na gay ako so I don’t have to explain myself,” dugtong pa niya.
Inamin din ni Janjep na sa edad na 41, ay very much in love pa rin siya sa kanyang longtime partner.
Pitong taon na ang relasyon nila ng kanyang boyfriend.
Natanong naman si Janjep kung ano ang magiging gameplan niya sa pagrampa sa Mr. Gay World, “Parang iyon ang magandang traits nating mga Pilipino pagdating sa pageantry, we always surprise them with our biggest ideas like what Catriona Gray did.
“I won’t compare myself to John Raspado, siguro parang gagawin ko na lang inspiration yung ginawa ni Catriona. Parang from day one, palaban na siya,” sey pa ni Janjep.
“So iyon ang plans ko pagdating sa South Africa, ready agad, I will surprise them with my ideas like what Catriona did. From what she wears, from the way she speak, and everything.
“Planado lahat. Ganu’n po yung ginagawa namin with the help of my mentor and our National Director Boss Wilbert and KF, Kagandahang Flores camp. Talagang hinahanda nila ako para sa Mr. Gay World 2019,” chika pa ni Janjep na nagpa-sample pa ng kanyang vaklava walk na pinalakpakan ng media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.