Tulfo inupakan ng fans ni Regine: Wala raw respeto sa babae, dapat mag-public apology | Bandera

Tulfo inupakan ng fans ni Regine: Wala raw respeto sa babae, dapat mag-public apology

Alex Brosas |April 26,2019
facebook
share this

Tulfo inupakan ng fans ni Regine: Wala raw respeto sa babae, dapat mag-public apology

Alex Brosas - April 26, 2019 - 12:45 AM

REGINE VELASQUEZ AT BEN TULFO

TO the rescue ang asawa ni Regine Velasquez na si Ogie Alcasid matapos itong upakan ni Ben Tulfo sa kanyang Facebook Live.

“Sir @bitagbentulfo. I offer my cheek to you. After you have maligned my wife I ask that you focus on me. She is after all a lady. God bless you sir.” That was Ogie’s message sa kanyang social media account.
Nag-ugat ang pagtataray ni Ben kay Regine dahil sa reaction nito sa post ng Songbird against

Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr.’s statement about Chinese getting endangered giant clams.

“Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay [simpleng] tao lamang na may simpleng pag-iisip. These people are invading our territory they are not just taking food [sinisira] nila ang ating karagatan!!!!”

Minaliit ni Ben si Regine when he said, “Next time you open your mouth, think. Make sure na may laman ang utak mo. Make sure alam mo ‘yung isyu and you can talk about it.

“Hindi mo ito balwarte. ‘Yung kaalaman mo, itago mo na lang. Gawin mo na lang, una, kung paano ka manumbalik sa publiko na kilala ka pa The Songbird of Asia. Hehehe. Ano ba’ng alam nitong si Regine Velasquez other than kumanta lamang?”

Netizens ganged up on Ben, kaliwa’t kanang upak ang inabot nito sa social media.

“A decent man will respect a woman Sir Tulfo meron po tayong tinatawag na demokrasya kung saan malaya mong ipahahayag ang iyong opiniyon yun lang ginawa ni Ms. RVA.”

“We demand public apology from Ben Tulfo. Kung lalaki sya mag apologize sya. Tandang walang pinagkatandaan.”

“Kuya Ogs wag mong pinagaaksayahan ng panahon ang bastos na si @bitagbentulfo walang respeto yan sa nanay nya kaya ganyan sya magsalita sa babae! Walang bayag!!!”

“@bitagbentulfo bago nyo sabihing nakikisawsaw lang si @reginevalcasid eh isoli nyo muna yung P60M ng mga Pilipino. Fyi din po, ang lahat ng Pilipino ay may FREEDOM OF EXPRESSION, wala tayo sa panahon ng diktadurya. Nabigyan kayo ng mikropono pero ang bobo nyo. #BastaTulFoOgag.”

“Eh bakit ka nagagalit sa kanya ikaw ba ang sinagot nya? Why so affected and why malign a national treasure for music? Eh ikaw anu ka ba sa bansa natin? Dapat ikaw ang manahimik unless inutusan ka ng amo na ipagtanggol si Locsin.”

May ilang netizens din naman ang nagtanggol kay Tulfo na obviously ay mga haters at bashers ng Songbird.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Any comment, Mr. Ben Tulfo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending