Pulse Asia: Partylist group na tumutuligsa kay Duterte mananalo
ANG Bayan Muna, isa sa partylist group na tinutuligsa ni Pangulong Duterte, ang nanguna sa survey ng Pulse Asia.
Nakakuha ang Bayan Muna ng 8.50 porsyento lagpas sa dalawang porsyentong kailangan para makakuha ng isang upuan sa Kamara de Representantes ang isang partylist group. Hanggang tatlong upuan ang maaaring makuha ng isang grupo.
Sumunod naman ang Magsasaka (6.45 porsyento), Gabriela (6.04), Ako Bicol (4.72), A Teacher (4.58), Senior Citizens (3.66), Buhay (2.98), Akbayan (2.51), Anak Mindanao (2.42), An Waray (2.18), Kalinga (2.17 porsyento), Anakpawis (2.17), CIBAC (2.14 porsyento), Angkla (2.04).
Para makasiguro na makakakuha ng isang upuan ang isang partylist group ay dapat makakuha ng dalawang porsyento ng boto mula sa kabuuang ng boto sa partylist election.
Alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema ang bilang ng partylist representatives ay dapat 20 porsyento ng kabuuang ng mga district representatives kaya 58 ang pauupuin na partylist congressman.
Ang survey ay ginawa mula Marso 23-27 at kinuha ang opinyon ng 1,800 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 2.3 porsyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.