PAINIT pa nang painit ang mga kaganap sa pinag-uusapang Kapuso afternoon series na Dragon Lady, lalo na ngayong palaban na ang karakter ni Janine Gutierrez bilang si Scarlet del Fuego.
Kapit na kapit na ang mga viewers sa kuwento ng Dragon Lady kaya mas lalo pang tumataas ang rating nito tuwing hapon. Komento ng ilang netizens, bagay na bagay daw kay Janine ang bida-kontrabida role dahil mas naipakikita nito ang kanyang versatility.
Pinalakpakan nga ng viewers ang mga eksena ni Janine kung saan kinawawa niya ang dalawang kontrabida sa kuwento na sina Maricar de Mesa (Vera) at Joyce Ching (Astrid). Bukod dito, tuloy din ang pakilig ng tambalan nina Janine at Tom Rodriguez (Michael), idagdag pa ang ka-love triangle nilang si Edgar Allan Guzman (Goldwyn).
Pero hanggang kailan tatagal si Scarlet sa kanyang paghihiganti? Paano kung may kapalit pala ang kanyang kapangyarihan at ang kanyang ginagawang kasamaan? Patuloy na tutukan ang Dragon Lady sa GMA after Eat Bulaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.