Hugot ni Kris sa lindol: Totoo naman talaga, pahiram lang po ng Diyos ang lahat sa atin…
MARAMING realizations si Kris Aquino matapos ang magkasunod na lindol na yumanig sa Luzon at Visayas regions nitong nagdaang Lunes at Martes.
In fairness, viral ngayon ang video ng naging reaction niya habang lumilindol last Monday habang siya’y nasa presscon kasama ang misis ng pinsang niyang si Bam Aquino na si Timi.
Isang netizen ang nagtanggol kay Kris laban sa mga bashers na nangnega sa kanyang “lindol video” at in fairness, nirepalayan siya ng Social Media Queen.
Narito ang ilang bahagi ng FB post ni Tetay, “Kung hindi nag-panic, battle-tested na kasi. TOUGH TIMES DON’T LAST, but TOUGH PEOPLE DO. And yes, MAARTE ako, in Bimb’s words when he gets exasperated, ‘Mom you’re acting like a sulky 14-year-old emo girl who didn’t get her way. Consistent ang sagot ko ‘Because honey, i’ve earned the right to act this way.’
“And kahapon nakita natin- life is really temporary, totoo na PAHIRAM lang ng Diyos. Di ba kung may mamahalin kang hiniram, let’s say a van na pang-family outing, or alahas ng nanay mo for a special occasion- PANGANGALAGAAN MO yung TIWALANG binigay sa’yo- correct? So maybe yesterday (last Monday) was a reminder, time for us to be better human beings.
“And here’s a P.S. Dun sa nambastos sa’kin sa twitter, sorry i don’t use your language, me_dusa1 (something about ‘dilig’- had to be clarified with me that the closest translation would be not getting any action) they say that when you say things in a stream of thought, and you are blissfully unaware it’s being recorded you’ll see what matters to that person.
“So mali ka sa pinili mong gamitin para bastusin ako- ANAK at Chanel ang lumabas sa bibig- yung buong upload ni kuya Leo (Bukas, entertainment columnist) ni minsan walang lalaking nabanggit. At HINDI rin sinabi na ‘shucks mamamatay na ko, sayang yung pagpapagamot, lindol lang pala katapat.’ So ibig sabihin- i still have something to live for.
“And all the pictures i saw made me realize we need more emergency first responders, more of the budget should be allotted to purchase, high tech, properly equipped ambulances and rescue equipment (ang PINOY likas na may malasakit sa kapwa, pero ang hirap gawin ng trabaho kung hindi ka nabigyan ng sapat na gamit).
“Whether public or private, all hospitals should have functioning generators, kung public dapat galing sa budget ng gubyerno, kung private dapat may tax initiatives, and fuel for those generators should be subsidized by LGUs. Sorry nagbigay ng opinion, but kagaya nga ng sagot kay Bimb: i’ve earned the right to my opinion. #stayingalive #lovelovelove.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.