SWS: Net rating nina Robredo, Arroyo, Bersamin tumaas | Bandera

SWS: Net rating nina Robredo, Arroyo, Bersamin tumaas

Leifbilly Begas - April 24, 2019 - 02:09 PM

TUMAAS ang net satisfaction rating ng tatlo sa apat na mataas na opisyal ng gobyerno, ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS).

Umakyat ang net satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo sa survey noong Marso sa 42 porsyento (63 porsyentong satisfied, 16 porsyentong undecided at 21 porsyentong dissatisfied), mula sa 27 porsyento noong Disyembre (53 porsyentong satisfied, 20 porsyentong undecided at 26 porsyentong dissatisfied).

Nanatili naman sa 61 porsyento ang net rating ni Senate President Vicente Sotto III (71 porsyentong satisfied, 19 porsyentong undecided at 10 porsyentong dissatisfied).

Si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ay nakapagtala ng -17 porsyento (29 porsyentong satisfied, 25 porsyentong undecided at 46 porsyentong dissatisfied), mas mataas sa -21 porsyento (28 porsyentong satisfied, 22 porsyentong undecided at 49 porsyentong undecided) sa survey noong Disyembre.

Si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin naman ay nakapagtala ng 14 porsyentong net rating (34 porsyentong satisfied, 28 porsyentong undecided at 20 porsyentong dissatisfied). Noong Disyembre ang kanyang rating ay 11 porsyento (36 porsyentong satisfied, 30 porsyentong undecided at 25 porsyentong dissatisfied).

Ginawa ang survey mula Marso 28-31. Kinuha ang opinyon ng 1,440 respondents. Ito ay mayroong error of margin na plus/minus 2.6 porsyento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending