Lalaking nag-masturbate, ginulpi ng Brazilian mixed martial artist

April 24,2019
share this

Lalaking nag-masturbate, ginulpi ng Brazilian mixed martial artist

April 24,2019
share this

RIO DE JANEIRO, Brazil—Ginulpi ng isang Brazilian mixed martial artist ang isang lalaki na tumanggi umanong huminto sa pagma-masturbate sa isang beach kung saan isinasagawa kanyang swimsuit photo shoot.

Napansin umano ni Joyce Vieira, 27, ang isang lalaki habang nasa photo shoot sa Rio de Janeiro, ayon sa ulat ng Folha de São Paulo.

Nang lapitan ni Vieira ang lalaki na nakilalang si Josinel Ferreira, 27, ay nakababa umano ang pantalon nito at nilalaro ang kanyang ari.

Nagalit pa umano ang lalaki ng sawayin ni Vieira na eksperto sa jiu-jitsu, Muay Thai at boxing.

Pinatikim ni Vieira ng suntok at sipa ang lalaki na hindi umobra sa kanya.

Inaresto si Ferreira matapos na maghain ng reklamo sa pulisya si Vieira.

Itinanggi ni Ferreira na nilalaro niya ang kanyang ari kundi siya umano ay umiihi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending