Sharon nagtatakbo palabas ng CR nang lumindol, hilung-hilo sa 40th floor

By Jun Nardo April 24,2019
share this

Sharon nagtatakbo palabas ng CR nang lumindol, hilung-hilo sa 40th floor

By Jun Nardo April 24,2019
share this

SHARON CUNETA

NATARANTA ang halos lahat ng taga-Metro Manila at kalapit na probinsya sa malakas na lindol nu’ng Lunes nang hapon.

Kanya-kanyang share ang ilang celebrities ng naging experience nila sa lindol.

Sa Instagram post ni Sharon Cuneta nasa banyo siya nang lumindol kaya agad daw siyang nagtatakbo palabas.

“Had to lie down sa hilo. It was stronger the higher you are, and we live above 40th floor,” bahagi ng caption ni Shawie na sinamahan ng photo ng Earthquake Prayer.

Si Ai Ai delas Alas naman, matapos magpasabog ng sexy pictures sa IG niya, nag-repost ng isang quotation mula sa @katolikongpinoy na nagsasaad ng, “Panginoon, maawa po kayo sa amin. Ipag-adya mo po kami sa lahat nga mga uri ng sakuna.”

“We were at the rooftop of our set here in New Manila when the Magnitude of 5.8 #Earthquake happened. We were all in shock and went downstairs right after. We’re all fine now. Take care, you guys. Check on your families at home,” tweet ni Barbie Forteza.

Sabi naman ni Lea Salonga, “Just now heard about a strong earthquake, epicenter in Zambales but felt as far as Manila. Please stay safe, everyone.”

“Strong earthquake caused the water in this pool to move around. Felt a distinctive P wave and S wave too! Hope everyone is safe! #Earthquake,” tweet naman ni Atom Araullo.

“Worst earthquake experienced. Scary…,” sabi ni Bea Binene.

Ilan sa mga apektadong lugar ay ang Zambales at Pampanga ayon sa reports. Eh madalas ngayon sa Zambales si Aiko Melendez para samahan ang boyfriend na si Jay Khonghun na tumatakbo bilang vice governor ng lalawigan.

Sa Facebook page ni Aiko, safe ang mark niya kahit sa Zambales ang epicentre ng lindol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending