Nagastos ng amo, ibabalik ba ng tauhan? | Bandera

Nagastos ng amo, ibabalik ba ng tauhan?

Liza Soriano - April 24, 2019 - 12:15 AM

MA’AM may question ako sa inyo. Naaksidente ang kasamahan ko sa trabaho habang namamalengke. Restaurant employees ho kami. Natapilok at naitukod niya ang kamay niya kaya nabali ang kanyang hinlalaki.
Pinahilot niya ito at lalong namaga. Dahil namamaga pa rin after five days ay sinagot ng amo namin ang gamot at pagpapaopera.
Naka-P8,000 din ang amo namin. Ngayon po magpa-file po kami sa SSS. Tanong ko, dapat po bang ibalik ng employee ang ginastos ng employer?
Sana po ay matugunan ninyo ang aking katanungan.
Maraming  salamat po.
MICHELLE

REPLY: Ito ay tugon sa katanungan ni B. Michelle Ludovice tungkol sa Employees’ Compensation Program.
Para sa kanyang kaalaman, ang Employees’ Compensation (EC) Program ay isang programa ng pamahalaan na nagbibigay ng benepisyo sa mga manggagawang nagkasakit, naaksidente o namatay sanhi ng trabaho. Ibinibigay lamang ang benepisyo ng EC sa mga miyembrong may employer.
Tanging ang employer ang nagbabayad ng kontribusyon sa EC ng kanyang empleyado.
Bago matukoy kung ang pagkakasakit, pagkaaksidente o pagkamatay ay konektado sa trabaho, hinihingi ng SSS ang accident report na nilagdaan ng supervisor at employer, at detalyadong pagsasalarawan ng trabaho upang matukoy kung ito ay bahagi ng kanyang trabaho. Ilalakip ang mga ito sa kanyang EC sickness claim.
Kapag naaprubahan na ang EC claim, maaari na siyang mag-file ng SSS sickness claim sa ilalim ng Double Recovery Program, kung siya ay kwalipikado. Kung nagamit na ng miyembro ang 120 araw para sa SSS sickness benefit, siya ay hindi na kwalipikado sa Double Recovery Program. Bunga nito, maaari lamang siyang mag file para sa EC sickness benefit.
Ang employer na nagbayad sa mga gastusin sa pagpapagamot ng kanyang empleyado ay maaaring mag-file ng EC Medical Reimbursement. Punan lamang niya ang EC form at ilakip ang mga orihinal na resibo ng mga binayaran kasama ang mga charge slip, listahan ng mga gamot, supplies, at iba pa. Samakatuwid, hindi kailangang singilin ng employer sa kanyang empleyado ang halaga ng ginugol para sa pagpapagamot dahil maaari niya ito i-reimburse sa ilalim ng EC. Maaaring mag-file ng EC sa pinakamalapit na sangay ng SSS.
Nawa’y nabigyan po namin ng linaw ang katanungan niya.

Salamat po.
Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security Officer IV
SSS Media Affairs Department
Noted:
Ma. Luisa P. Sebastian
Vice President
Public Affairs and Special Events Division
9247295/9206401 loc 5053

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending