True ba, Coco bawal umaming nabuntis si Julia Montes dahil sa mga kontrata?

By Jun Nardo April 23,2019
share this

True ba, Coco bawal umaming nabuntis si Julia Montes dahil sa mga kontrata?

By Jun Nardo April 23,2019
share this

HABANG nagpipista ang publiko sa kaguwapuhan ni Baby Ziggy, ang second baby nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, todo-talak naman ni Coco Martin sa mga intriga sa kanya kaugnay ng pananahimik sa umano’y panganganak ni Julia Montes.

Coco may have valid reasons para manahimik sa isyung kinasasangkutan ng kanyang rumored girlfriend.
Baka may moral provisions sa kanyang mga pinirmahang kontrata lalo na pagdating sa endorsements kaya ayaw muna niyang magsalita about it.

Samantalang sina Dong at Yan ay kasal naman kaya ilabas man nila ang anak sa publiko eh, wala silang nilalabag na kontrata.

A baby is a blessing kaya proud ang mag-asawa na ilantad sa social media ang kanilang bagong silang na baby boy. Ayon sa post ni Dong sa kanyang Instagram nu’ng Easter Sunday, healthy na ang anak, bonus pa na lalaki ‘yon.

“Today, in His resurrection, after the birth of Sixto, we are again reminded of our mission in this world. Through this blessing I have received my commitment to live a more meaningful life not just for myself, but for my family and others as well,” saad ni Dong.

Bukod sa blessing na anak na lalaki, blessing naman sa trabaho ang dumating kay Dong, pumirma siyang muli ng kontrata sa GMA Network kahapon.

q q q
Pinalipas ni Jasmine Curtis-Smith ang Mahal na Araw sa La Union. Siyempre, kasama niya ang boyfriend na taga-San Fernando, LU.
Si Tom Rodriguez naman ay kasama ang GF na si Carla Abellana nu’ng Holy Week base sa Instagram video ng aktor.
Eh, magkasama sa horror movie na “Maledicto” sina Tom at Jasmine pero walang love angle sa kanila dahil pari ang role ng leading man ni Janine Gutierrez sa seryeng Dragon Lady.
Sa Mark Meily-directed movie na ito, siguradong mapapansing muli ang husay sa pag-arte ni Jas na sinasabing mas magaling na aktres kesa sa ate niyang si Anne Curtis, huh!
q q q

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending