Sikat na aktres reyna ng tomaan, pinabagsak lahat ng kainuman sa kasalan | Bandera

Sikat na aktres reyna ng tomaan, pinabagsak lahat ng kainuman sa kasalan

Cristy Fermin |April 22,2019
facebook
share this

Sikat na aktres reyna ng tomaan, pinabagsak lahat ng kainuman sa kasalan

Cristy Fermin - April 22, 2019 - 12:15 AM

HANGGANG ngayon ay naaalala pa rin sa mga umpukang showbiz ang lakas sa pagtoma ng isang kilalang female personality. Meron siyang katunggali sa pagnomo, isa ring character actress, pero walang makatatalo sa babaeng personalidad na ito na parang may imbudo sa lalamunan.

Sa kahit anong okasyon ay siya ang kinatawan ng mga artista, sumusuko na ang lahat, pero nananatiling nakatayo pa rin ang kilalang female personality na napakalakas uminom.

Kuwento ng aming source, “Napakagaling magdala ng kalasingan ng babaeng ‘yun! Alam n’yo bang lasing na lasing na siya, pero hindi mo mararamdaman na marami na siyang nainom?

“Nakaka-dialogue siya nang maayos, acting kung acting ang ginagawa, napakahusay niyang magdala talaga! Parang wala lang sa kanya ang pagkalasing, parang kumakain lang siya ng butong-pakwan!

“Kung ang ibang artista, e, nagwawala na kapag nakanomo, tulad nu’ng isang male personality na nagmumukha nang demonyo kapag lasing, kailangang mag-training ang mokong na ‘yun sa aktres na ito na malakas uminom, pero hindi nagwawarla!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Sa kasal ng isang showbiz couple na ginanap sa isang malamig na siyudad ay dumalo ang kilalang female personality. Imbitado siya, kaibigan niya ang mga ikakasal, pormal na pormal ang kanyang gayak.

“Pero nu’ng osas na ng inuman, e, nakipasabayan siya sa mga crew ng mga TV networks na nag-cover ng wedding. Naku, bulagta na ang karamihan, pero ang girl, talaga namang nomo kung nomo pa rin!

“Saludo sa kanya ang mga crew, ganu’n daw pala siya kalakas uminom, kung saan niya inilalagay ang alak, e, siya lang ang tanging nakakaalam!

“Kaya hindi na nakapagtataka kung malakas mang uminom ang anak niyang artista rin, kinakabog din ng girl na ‘yun ang mga male personalities na malalakas uminom, sa totoo lang!

“Hay, naku, kahit itanong n’yo pa kay Mang Jose, talagang napakalakas niyang uminom ng agua de pataranta! At napakahusay niyang magdala!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakadaling hulaan kung sino ang malakas tumomang female personality na ito, sa totoo lang!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending